Saturday, December 26, 2009

Pamaskong Pahayag

(Kabuuan ng Talumpati ni Arnold Divina sa Pamaskong Pagtitipon ng UCC Party na idinaos noong Disyembre 24, 2009 sa punong himpilan ng Lapian. Ang pagtitipon ay dinaluhan ng mga tagapag-ugnay pambarangay at mga pampulitikang pinuno ng partido. Dumalo rin si Atty. Nilo Divina dito.)
NAALALA KO, KUNG SI KUYA PA RIN ANG TUMATAKBO, KUNDI ORIENT PEARL, AY GOLDEN APPLE TAYO MAGKIKITA-KITA NGAYON. KAYA MGA KASAMA, PASENSIYA NA. DITO LANG MUNA TAYO SA HQ.

ANG PAGTAKBO NI ATTY DIVINA BILANG CONGRESSMAN SA NAKARAANG LIMANG TAON AY NAGBIGAY NG PAG-ASA LALO NA SA MAHIHIRAP. AT ITONG NAKARAANG DALAWANG TAON, AY GUMABAY SA LIDERATO NG HINDI MABILANG NA BARANGAY OFFICIALS.

AKO MISMO AY NALULA SA NAGING PAGTANGGAP NG MAMAMAYAN KAY KUYA PARA SA 2010. HINDI LAMANG SA HANAY NG ATING MGA BARANGAY COORDINATORS, UMANI RIN SIYA NG MGA BAGONG SUPORTA MULA SA HANAY NG DATI NATING MGA KALABAN.

SAKSI KAYONG LAHAT, SA UNANG PAGKAKATAON, TUMULO ANG LUHA KO NANG MAGSABI SIYANG HINDI NA SIYA TATAKBO BILANG CONGRESSMAN. AT NAGING SAKSI DIN AKO SA MARAMING MGA KASAMANG LUMUHA DIN KASAMA KO.

LUMUHA TAYONG LAHAT, DAHIL PARANG GUMUHO ANG PANGARAP NATIN PARA SA MAHIHIRAP. NA ANG PANGARAP NATING PROGRESO AY TILA HINDI NA NATIN MAAABOT.

HINDI LAHAT NALUNGKOT. DAHIL ANG IBA NAGALIT. KAHIT PAANO, NARAMDAMAN KO ANG NARAMDAMAN NILA. NAISIP KO DIN ANG INISIP NILA. NA BIGLA NA LANG TAYONG INIWAN NI KUYA SA ERE.

BILANG LIDER, SI KUYA ANG LIWANAG NA TUMATANGLAW SA LANDAS, NA ANG KANIYANG PAG-IWAN AY NANGAHULUGAN NG PAGDILIM NG DINADAANAN.

NGUNIT PAG BINABALIKAN KO ANG KABANATANG IYON, HINDI PALA IYON ANG KATAPUSAN NG ATING SAMAHAN. NALUNGKOT AKO DAHIL AKALA KO HINDI NA TAYO ULI MAGKAKASAMA-SAMA.

IYON PALA ANG SIMULA NG TUNAY NA PAGKAKAIBIGAN.

MAY UMALIS, PERO LIBONG ULIT ANG NARIYAN PA RIN. LIBONG ULIT ANG NADAGDAG SA ATING MGA KAIBIGAN. DAHIL SA ATING MGA PUSO, SA MGA TUNAY NA MAGKAKAIBIGAN, WALANG IWANAN!

DAHIL SA INYO, ININDORSO AKO NI KUYANG PAPALIT SA KANIYA.

DAHIL SA INYO, NAGDESISYON AKONG LUMABAN BILANG KONSEHAL.

DAHIL SA INYO, KINUHA AKO NI MAYOR RECOM BILANG KONSEHAL NG PARTIDO LIBERAL.

DAHIL HINDI NINYO AKO INIWAN, HINDI KO KAYO IIWANAN! ANG PANALO KO AY PANALO NINYO. AT HINDI TAYO MATATALO DAHIL MAGTUTULONG-TULONG TAYO.

GAGAWA TAYO NG KINABUKASANG UKOL PARA SA ATING MGA ANAK. PARA SA ATING MGA APO. MAGIGING INSPIRASYON TAYO PARA SA LAHAT.

SA LUNGKOT AT LIGAYA… SA HIRAP AT GINHAWA… MAGKAKASAMA TAYONG LAHAT. HINDI KAYO MABIBIGO. HINDI KAYO LULUHA!

MARAMING SALAMAT. MERRY CHRISTMAS SA LAHAT. HAPPY NEW YEAR SA LAHAT.

Wednesday, December 9, 2009

Pagpapakilala

(Kabuuan ng Talumpati ni ARNOLD DIVINA sa Filipino-Chinese Chamber of Commerce - Caloocan City noong ika-2 ng Disyembre 2009. Ito rin ang pahayag niya sa paanyaya ni P/B Bebot Cruz ng Brgy 12, ika-6 ng Disyembre 2009 sa pagtitipon ng Partido Liberal Caloocan na pinangunahan ni Mayor Recom Echiverri)

MALAKING KALIGAYAHAN AT KARANGALAN PARA SA AKIN AT SA PAMILYA DIVINA ANG MAPASAMA SA PARTIDONG MARANGAL AT PARTIDONG MAKASAYSAYAN, NA PINANGUNGUNAHAN NG MINAMAHAL NA MAYOR RECOM ECHIVERRI, AT MAGIGING PANGALAWANG PUNONG LUNGSOD, EGAY ERICE.

AKO PO SI ARNOLD DIVINA. TAGA-BARANGAY 24. ANG AKING KAPATID AY UNA NINYONG NAKILALA, SI ATTY NILO DIVINA.

SIMULA 2005, KAMING MAGKAPATID AY LAGI NA NINYONG KASAMA. NGAYON PO, NAKAMIT NA NI ATTY. NILO DIVINA ANG ISA SA PINAKATATANGING PANGARAP NG LAHAT NG ABUGADO, ANG MAGING DEKANO NG BATAS.

DALAWA LAMANG PONG DAHILAN KUNG BAKIT NAGPASIYA AKONG TUMAYO SA INYONG HARAPAN. AT IALOK ANG SARILI KO SA PAGLILINGKOD.

UNA PO, IBIG KONG IPAGPATULOY ANG SINIMULAN NI ATTY DIVINA. IPAGPATULOY ANG PAGTULONG AT PAGDAMAY SA LAHAT, SA ABOT NG AKING TALINO AT MAKAKAYA.

PANGALAWA PO, IBIG KONG IBAHAGI ANG AKING KARANASAN AT KAKAYAHAN SA ATING PAMAHALAAN. NANINIWALA PO AKO SA PROGRAMA NI MAYOR RECOM. NANINIWALA PO AKO SA PAMAMAGITAN NI MAYOR RECOM, MALAPIT NA ANG KATUPARAN NG MGA PANGARAP NG MGA TAGA CALOOCAN.

KUNG AKO PO AY PINALAD, AT SA PAMAMAGITAN NG INYONG SUPORTA, KAMING LAHAT AY MAGTATAGUMPAY, SISILAY SA LAHAT ANG BUKAS NA MAGANDA!

ISANG BUKAS NA WALANG MAGUGUTOM, ISANG KINABUKASANG WALANG KARAMDAMAN! AT SA PAGSIKAT NG ARAW SA UMAGA, LAHAT NG KABATAAN AY PAPASOK SA PAARALAN! …AT HINDI SA TAMBAYAN… AT SA PAGLUBOG NG ARAW, PAYAPA ANG KALOOBAN NATIN DAHIL BUKAS, HINDI BABAHA! …KAHIT UMULAN PA NG MALAKAS!

MATUTUPAD ANG LAHAT NG ITO… SAMA-SAMA TAYO… RECOM PA RIN TAYO! ...

MULI PO… ARNOLD DIVINA!

MARAMING SALAMAT PO SA INYONG LAHAT!

Sunday, December 6, 2009

Pasko na

PARANG KAILAN LANG ANG NAKARAANG PASKO, NGAYON ILANG ARAW NA LANG PASKO NA ULI. NAPAKABILIS NG PANAHON. MADALAS KONG MARINIG SA MGA HINDI NAWAWALAN NG PAG-ASA SA BUHAY, DAHIL NGA SA BILIS NG PANAHON, HABANG MAY PASKO, MAY PAG-ASA.

PAG DUMADALAW AKO SA MGA KLIYENTE KO TUWING PAPALAPIT ANG PASKO, NAGPAPAGANDAHAN SILA NG DEKORASYONG BELEN SA KANILANG BUILDING. SABI SA ESKWELAHAN NAMIN NOON, SIMBOLO IYON NG KAPAYAPAAN AT KATAHIMIKAN NG GABI KUNG KAILAN ISINILANG SI HESUS. SIMBOLO RIN DAW IYON NG MAKATAONG HANGARIN NG ATING PANGINOON, NA MAGKAROON NG LANGIT SA LUPA.

SA PANAHONG ITO NA NALILIGALIG TAYO NG MGA KARAHASAN AT KASAMAAN, MARAMI ANG NAGTATANONG, KUNG KAILAN MAGKAKALANGIT SA LUPA. SA TINGIN NG MARAMI, WALA NANG PAG-ASA.

SA PALAGAY KO NAMAN, WALANG IBANG MAKABUBUTI KUNDI MAGPATULOY TAYONG UMASA, AT GUMAWA PARA SA KAPAKANAN NG SAMBAYANAN. HINDI MAGANDA NA PURO SARILI LANG. O PERA, O PURO PULITIKA LANG.

ITONG PASOK KO SA PULITIKA, HONESTLY, GUSTO KONG I-SHARE ANG KAYA KONG GAWIN, O ANG MGA ALAM KONG GAWIN. NANINIWALA AKO, MAKAKA-CONTRIBUTE AKO NANG MALAKI SA PROGRAMA AT HANGARIN NG MINAMAHAL NA MAYOR NATING LAHAT, MAYOR RECOM. NANINIWALA AKO, MAY MAGAGAWA AKO PARA SA KAPAYAPAAN, PAG-UNLAD, AT KASAGANAAN NG ATING MGA KABABAYAN SA CALOOCAN.

SABI NILA, HINDI LAMANG DAW ISANG ARAW ANG PASKO, SAPAGKAT ARAW-ARAW AY PASKO. NANINIWALA AKONG ARAW ARAW NGA ANG PASKO KUNG WALANG NAGUGUTOM, KUNG WALANG NAGKAKASAKIT, KUNG WALANG ISTAMBAY, AT LAHAT NG KAILANGANG MAGHANAPBUHAY AY MAYROONG HANAPBUHAY. ITO ANG PANGARAP KO PARA SA LAHAT.

LIBRE LANG DAW ANG MANGARAP. KAYA LANG, SA AKING KARANASAN, PARA MAGANAP ANG KAHIT ANONG PANGARAP, AY HINDI PALA LIBRE. KAILANGANG PAGSIKAPANG MAKAMTAN. PERO MALAKI ANG MAGAGAWA NG PAGTUTULUNGAN. KAYA BUONG KABABAANG LOOB NA NAKIKIUSAP AKO SA INYONG LAHAT, PAGTULUNGAN NATING MAGTAGUMPAY AKO, KASAMA ANG MGA KASAMA KO. DAHIL ANG TAGUMPAY KO, AY TAGUMPAY NATING LAHAT! AT PAGDATING NG TAMANG ORAS, MAS MADAMI PA ANG MAPAGTUTULUNGAN NATIN.

MGA KASAMA, MGA KAIBIGAN, SA KAPANAHUNANG ITO NG TUWA AT PAG-ASA, PATULOY TAYONG MANALIG. PATULOY NATING PAGTIBAYIN ANG PAGKAKAISA SA ATING MGA DIWA. PATULOY NATING PAGTIBAYIN ANG PAGTUTULUNGAN SA ATING MGA PUSO. SA PAMAMAGITAN NG ATING WALANG KATAPUSANG PAGSASAMA-SAMA SA MAHAHALAGANG MGA GAWAIN, MAPAPASAATIN ANG TUNAY NA DIWA NG PASKO: KAPAYAPAAN, KAUNLARAN, KASAGANAAN!

ISANG MAKABULUHANG PASKO AT MAPAYAPANG BAGONG TAON SA ATING LAHAT!


Monday, November 30, 2009

Konsehal Arnold, LP

Naganap na ang pinakahihintay ng lahat. Nag-”file” na ng kaniyang kandidatura bilang Konsehal ng Lungsod sa Ikalawang Distrito si Arnold Divina noong Nobyembre 26, 2009 sa Comelec-Caloocan.

Kasama niya sa pagpa-”file” ang buong tiket ng Partido Liberal (LP) na pinangunahan nina Mayor Recom Echiverri, magiging Pangalawang Punong Lungsod Egay Erice, kasama ang mga konsehal na sina Chito Abel, Allen Aruelo, Tino Bagus, Marjorie Barretto, at Carol Cunanan. Pagkaraan nito, tumuloy sila sa Tanggapang Pangrehiyon ng Comelec sa Intramuros Manila.

Bago iyon, ipinakilala ni Mayor Recom sa naghihintay na mga taga-suporta sa bulwagan ng Sangguniang Panglungsod ang kaniyang mga kasama sa Lapian sa gitna ng palakpakan at masayang hiyawan.

Tumungo na agad ang grupo ni Mayor Recom sa Comelec, at dahil sa dami ng mga taga-suporta, nagpasiya na lamang sila na lakarin ito kasama ang mga kalungsod na pawang nakasuot ng dilaw.

Ang pagpapa-”file” ay sinundan ng motorcade sa kabuuan ng “city proper” ika-28 ng Nobyembre bilang opisyal na paghahayag ng tiket ng Partido Liberal Caloocan. Nagtapos ang programa sa Gusali ng Pamahalaang Panglungsod.

Kaugnay pa rin ng tiket ng LP Caloocan, sama-samang ipinagdiwang ng grupo ni Mayor Recom ang Kaarawan ni Gat Andres Bonifacio noong Nobyembre 30 sa isang palatuntunan sa Monumento. Sunod-sunod ang naging aktibidad ng LP. Ipinakilala muli ni Mayor Recom ang kaniyang mga kasama sa ginanap na pulong ng Filipino-Chinese Chamber of Commerce Caloocan City noong Disyembre 2, at sa pulong-bayan na pinangunahan ni PB Bebot Cruz sa Barangay 12.

Sunday, November 29, 2009

Passing the Torch

From Divina to Divina. Itinaas ni Atty. Nilo Divina (nasa kanan) ang kamay ng kaniyang kapatid na si Engr. ARNOLD DIVINA sa pag-endorso at lubos na suporta dito sa paglahok nito sa pulitika. Tinugon ito ng maalab na pagtanggap at papuri mula sa lahat. Naganap ito noong ika-14 ng Nobyembre 2009 sa harap ng mga Punong Barangay at tagasuporta sa ikalawang Distrito ng Caloocan. Ang pagtitipon ay ginanap bilang pasasalamat sa pagkakatalaga ni Atty. Divina bilang Dekano ng Batas sa Unibersidad ng Sto. Tomas.

Monday, November 23, 2009

LAW Dean, UST


Bagong Pinuno

(Kabuuan ng talumpati at pamamaalam ni NTD sa huling pagtitipon ng kaniyang mga barangay coordinator, sa kaniyang pag-atras sa kandidatura niya para sa 2010.)
LAST MONTH, NAIPIT AKO SA MAHAHALAGANG DESISYON. TAMA O MALI, HINAYAAN KONG MAGDESISYON ANG KUNSENSIYA KO. NAGSASALITA AKO NGAYON DITO DAHIL ALAM KO TUNAY NA MAGKAKAIBIGAN PA RIN TAYO. BINIGYAN NINYO AKO NG PAGKAKATAONG MAGPALIWANAG.

HABANG NAGKIKITA-KITA TAYO SA MGA PULONG, PINAGDADAANAN KO NAMAN ANG ISA SA MATITINDING “CONFLICT” SA BUHAY KO SA NAKARAANG “40 YEARS”. SINURI KO ANG “PRO’S AND CONS”. PAREHONG PANIG MAG-IISIP NA BABALEWALAIN KO ANG LAHAT. “DEAN” O “RED TEAM”?. PINILI KONG MAGING “DEAN”. HINDI KO NAMAN SINADYA, AKO ANG PINAKABATANG DEKANO NG BATAS SA KASAYSAYAN, HINDI LANG NG U.S.T., KUNDI NG BUONG BANSA.

HINDI KO ALAM PAANO HIHINGI NG PAUMANHIN. O MAGPAPALIWANAG. ALAM KO MARAMI ANG HINDI NATUWA, PERO NAGPAPASALAMAT AKO NANG TAOS PUSO DAHIL NAUNAWAAN NINYO PA RIN AKO.

NOONG 2007. HINDI TAYO SWERTE. PERO KAHIT ISANG MINUTO, HINDI KO INISIP HUMINTO. TUMULONG PA RIN TAYO SA TAO. ANG TOTOONG DAHILAN KUNG BAKIT NAPASOK AKO SA PULITIKA, TUMULONG NANG TUMULONG SA TAO.

ESTUDYANTE PA LANG AKO, IPINAGTATANGGOL KO NA ANG MGA TAONG NAPAGSASAMANTALAHAN. TUMUTULONG NA AKO KAHIT KANINO BASTA KAYA KO. GUSTO KO SILANG DAMAYAN SA HIRAP NG BUHAY. SIGURO, DAHIL MAHIRAP LANG DIN KAMI.

PERSONALLY, PINAKAUNA SA LISTAHAN NG GAGAWIN KO HABANG AKO AY NABUBUHAY ANG PAGTULONG SA KAPWA. ANG UNA AT PINAKAMAHALAGANG DAHILAN NG HINDI KO PAGTULOY SA 2010, AY ANG TOTOONG LAYUNIN KO SA BUHAY: HIGIT AKONG MAKATUTULONG KUNG HIGIT NA MALAWAK ANG NAIIKUTAN KONG MUNDO.

BILANG “DEAN” NG BATAS SA U.S.T., MAS MARAMING PULITIKO, PINUNO SA PAMAHALAAN, AHENSIYA NG GOBYERNO, MALALAKING NEGOSYO, ANG MANINIWALA SA SALITA KO LAMANG. ANG TAWAG NATIN DITO: IMPLUWENSIYA. ALAM NATIN ANG NAGAGAWA NG IMPLUWENSIYA LALO NA SA PILIPINAS. KAHIT HINDI KA PRESIDENTE, PARANG PRESIDENTE KA NA RIN DAHIL SA IMPLUWENSIYA.
SA KATUNAYAN NG SINABI KONG IMPLUWENSIYA, “PRESTIGIOUS” ANG PAMUMUNUAN KONG “FACULTY”. DITO NAGDALUBHASA SA BATAS SINA PRESIDENT QUEZON, OSMENA, LAUREL, AT DIOSDADO MACAPAGAL. ANIM NA CHIEF JUSTICE NG SUPREME COURT DITO RIN GALING. ARELLANO, MAPA, ARAULLO, AVANCENA, CONCEPTION, NARVASA.

TINANGGAP KO ANG “APPOINTMENT” BILANG “DEAN” HINDI DAHIL PERSONAL NA PANGARAP KO ITO. MALAKING KALIGAYAHAN DAHIL NAIBIGAY SA AKIN ITO, PERO HIGIT NA MAHALAGA ANG DANGAL NG MAMAMAYAN SA CALOOCAN. SA KASAYSAYAN NG BATAS. NGAYON NAGSISIMULA ANG “FIRST PAGE” PARA SA CALOOCAN.

ANG PLANO KO? BAKA BUMALIK AKO SA 2013 O 2016. KAYA LANG, AYAW KONG UMASA KAYO ULI.

PERO HUWAG KAYONG MALUNGKOT. KUNG KINAKAILANGAN, MAY PAPALIT SA AKIN. HINDI NGA LANG PANG-“CONGRESSMAN” SA 2010. BAKA PANG”COUNCILOR”. KINUKUMBINSI KO SI RECOM TUNGKOL DITO. SANA MATULUNGAN NINYO NA MATIKET KAY MAYOR. KARAPAT-DAPAT SIYA AT HINDI NIYA HAHAYAANG MAPAHIYA AKO.

PAREHO KAMI SA MARAMING BAGAY. HINDI NIYA PINAGSAWAANG SUPORTAHAN ANG LAHAT NG DESISYON KO. HINDI SIYA NANGIMING KUMONTRA KUNG ALAM NIYANG MALI. DAHIL DIYAN, ISANDAANG PORSYENTO ANG TIWALA KO SA KANIYA. AT ITONG HULING ISANG BUWAN, SA GITNA NG MGA BATIKOS AT KRISIS DAHIL SA DESISYON KO, WALANG DUDANG NASUBOK AT NAPATUNAYAN ANG KAKAYAHAN NIYANG MAMUNO.

ONE HUNDRED PERCENT ANG SUPORTA KO SA KANIYA. ONE HUNDRED PERCENT DIN SANA ANG SUPORTA NINYO SA KANIYA.

SIYA AY KAIBIGAN NINYONG LAHAT. SIYA AY KAPATID NATING LAHAT… SI ARNOLD.

NASA INYONG KAMAY NGAYON ANG DESISYON. MARAMING MARAMING SALAMAT. MAGANDANG GABI.

Sunday, October 25, 2009

NOYNOY, 60% sa SWS

Tanong: Sa ilalim ng kasalukuyang Konstitusyon, ang termino ni Pangulong Arroyo ay hanggang 2010 lamang at magkakaroon ng halalan sa pagka-Pangulo sa Mayo 2010. Sino-sino sa palagay ninyo ang mga magagaling na lider na dapat pumalit kay Pangulong Arroyo bilang President” (UP TO 3 ANSWERS ONLY)

Resulta: NOYNOY AQUINO, 60%; Villar, 37%; Estrada, 18%; Escudero, 15%; Roxas, 12%; de Castro, 8%; Legarda, 5%; Teodoro, 4%; Lacson, 2%; Binay, 2%; Fernando, 1%; Villanueva, 1%; GMA, 0.5%; Don’t Know, 6%; None, 4%.

Ayon kay Mahar Mangahas ng SWS, tinawag niya itong “climate change” ng halalang 2010 dahil mula 2007, hindi lumilitaw ang pangalan ni Noynoy Aquino sa mga “survey” na ito.

Ang tanong sa itaas na ginamit sa “survey” ay isang “tracking system” na ginagamit ng SWS simula Setyembre 2007, tuwing tatlong buwan upang matukoy sa pinakamalawak na paraan ang mga posibleng kandidato sa 2010 halalang Pampanguluhan. Sa loob ng 2 taon mula nang sinimulan ang “tracking system” na ito, Si Villar at Teodoro lamang ang umangat ang “ratings” (4%, 3% ayon sa pagkakasunod-dunod). Ang iba pang 7 ay bumaba na may kabuuang netong puntos na 41 (48-4+3).

Ibig sabihin nito, mahigit dalawang katlo (2/3) ng 60% na nakuha ni Noynoy ay galing sa 7 pangalan na bumaba ang “survey ratings”, o yaong karaniwang tinatawag na “bumaliktad” mula sa 7 patungo kay Noynoy. Ibig din sabihin, isang katlo (1/3) ng “respondents” ang idinagdag siya sa listahan ng mga pumapabor naman kay Villar at Teodoro.

4.2B, Office of President

Pinagtibay ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang 4.2 bilyong pisong laang gugol sa 2010 noong ika-15 ng Oktubre para sa Tanggapan ng Pangulo.

Inangalan ni Cong. Guingona ang pagkakamal ng Tanggapan ng Pangulo ng kabuuang 48% na katumbas ng 1.3 bilyon “intelligence fund” kumpara sa DND na 12% lamang, 9% sa military, at 3% sa National Intelligence Coordinating Agency kung saan lalong higit itong kailangan.

Ipinagtanggol ni Cong. Lagman ang Pangulo sa pagsasabing ang Pangulo ang pinakamataas na pinuno ng bansa at huwag itratong mababang antas ng pinuno o burukrata lamang.

Kaugnay nito, sinita din ni Cong. Guingona kung bakit lumagpas sa “travel budget” ang gastos dito ng Pangulo, at nagamit ang “contingency funds” para sa mga biyahe ng Pangulo sa ibang bansa.

Sinagot muli ito ni Cong. Lagman ng: “What’s spent by the President should be reported, what’s spent by other officials should be reported, but not in such details as to make her an ordinary bureaucrat”.

2010 Budget

Pinagtibay ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang laang gugol ng pamahalaan para sa taong 2010 makaraan ng 2 linggong debate sa ikalawang pagbasa nito noong ika-16 ng Oktubre na inabot ng 17 oras na natapos ika-2:00 na ng madaling araw.

Higit na mataas ito ng mahigit 8% sa pinagtibay na laang gugol para sa 2009. Kalakhan ng halagang pinagtibay ay pambayad utang na magma- ”mature” sa isang taon, at sa dagdag sahod ng mga kawani ng pamahalaan.

Ang babayarang interes sa utang ng pamahalaan ay nadagdagan ng mahigit 88 bilyong piso, at lumobo na nga ito sa mahigit 340 bilyong piso.

Ganap itong pagtitibayin sa huli at ikatlong pagbasa sa Nobyembre matapos ang “recess” ng Kongreso.

Ayon sa marami, hindi isinaalang alang ng “budget” na ito ang epekto ng katatapos na bagyong “Ondoy” at “Pepeng” dahil sa kakulangan ng mga tadhana nito upang tulungan ang mga biktima ng kalamidad. Binigyang pansin din ng mga kritiko ang pagbawas sa nakalaan sa pagpapagawa ng mga dagdag na imprastraktura sa kalagayang marami ang napinsala, at karamihan ng mga proyektong ipinangako ng Pangulo sa kaniyang huling SONA ay hindi pa natatapos o naumpisahan.
Pinakamalaking alokasyon ay napunta sa DepEd na nagkakahalaga ng mahigit 172 bilyong piso.

Para sa DPWH 105.3 bilyon; DILG 65.4 bilyon; DND 62.7 bilyon; DA 37.8 bilyon; DOH 28.5 bilyon; DAR 19.7 bilyon; DOTC 15 bilyon; DSWD 14.5 bilyon; DOJ 13 bilyon.

Pinakatutok ng mga debate ay ang alokasyon sa mga ahensiyang COMELEC, MMDA, at DILG dahil sa mga kontrobersiyang kinasasangkutan ng mga ahensiyang ito. Inilaan sa COMELEC lalo na sa gaganaping halalan sa 2010 ay 10.5 bilyong piso.

Pinakamalaking kabawasan sa pondo ang nangyari sa DPWH, DOTC, at DA.

Pinakamalaking karagdagan naman ay binigay sa DAR at DSWD, sapagkat ito ang tinuturing na “pet programs” ni Pangulong Arroyo, tulad ng “Tulay ng Pangulo bridge building project”, at ang “Pantawid Pamilya program”.

Pinaglaanan naman ang “pork barrel” (Priority Development Assistance Fund, PDAF o CDF) na nagkakahalaga ng 6.94 bilyong piso. Higit itong mababasa kung ikukumpara sa pinagtibay para sa 2009 na nagkakahalaga ng 9.7 bilyong piso.

Tuesday, October 13, 2009

UTANG

Sa ulat ng Kawanihan ng Pananalapi, umabot na sa 4.227 trilyong piso ang pasaning utang ng pamahalaang Pilipinas (Hunyo 30, 2009).

Dahil sa laki ng utang na ito, ang bawat mamamayang Pilipino na umabot na sa humigit kumulang 90 milyon ay kabahagi nito. Bawat isa ay may utang na 46,966 piso.

Lalo itong lumaki kumpara nung isang taon na 3.963 trillion dahil sa pandaigdigang krisis sa ekonomiya at kalakalan.

Sa kabuuan ng utang na ito, 2.38 trilyong piso ay bayarin sa mga lokal na pinagkakautangan (domestic sources / creditors), samantala ang 1.85 trilyong piso ay utang panlabas.

Ang mga utang mula sa “domestic creditors” ay nautang sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga “treasury bills” (T-bills). Ang mga utang panlabas ay madalas galling sa Asian Development Bank (ADB) at World Bank (WB).

Nauna nang sinabi ng Kagawaran ng Pananalapi na ang kabuuang utang ng pamahalaan ay katumbas ng 56% ng pambansang ekonomiya ayon sa panukatan ng “gross domestic product” (GDP). Lubha itong mataas kumpara sa tantos na 36% lamang ng iba pang bansa sa Timog Silangang Asya.

GUTOM AT GLOBAL WARMING

Ayon sa mga eksperto, ang bagyong Ondoy at Pepeng ay bunga ng “climate change” o “global warming”.

Ang global warming ay sanhi ng polusyon at mga aktibidad ng tao na nagiging dahilan ng unti-unting pagtaas ng temperatura ng mundo. Ang init na ito ay pumapaligid sa “atmosphere”, na siyang nagkukulong ng iba pang init mula sa kalupaan at kalawakan. Hindi na ito makalabas pa sa “space”, sanhi upang matunaw ang mga yelo, at mag-”evaporate” ang mga ilog at dagat at manatili sa ulap. Paglamig nito, ay bubuhos bilang malakas at walang tigil na ulan.

Ayon sa International Food Policy Research Institute (IFPRI) sa Washington USA, sa inilabas nilang pag-aaral na “CLIMATE CHANGE: IMPACT ON AGRICULTURE AND COSTS OF ADAPTATION”, 25 milyong bata ang magugutom sa 2050 bunga ng “global warming”.

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang maging bahagi ng ulat ng Asian Development Bank at World Bank. Inilabas ang resulta ng pag-aaral kasabay ng serye ng pandaigdigang pulong hinggil sa “climate change” na ginanap sa Bangkok Thailand.

Upang mapigil ang bantang kagutumang ito sa daigdig, nagpanukala sila na dagdagan ng 7 bilyong dolyar ang pamumuhunan sa mga pananaliksik pangsakahan, pagpapahusay pa ng sistemang patubig, at pagsasaayos ng mga kalsada mula bukid hanggang palengke upang lalong matulungan ang mga magsasaka. Bahagi ng panukala nila ang pagpapabuti ng sistema sa distribusyon ng inuming tubig at edukasyon ng mga batang babae.

Anila, kung hindi matutugunan ang pangangailangan sa nagbabagong panahon, mababawasan ang napatutubigang lupang agrikultural ng 15% hanggang 30%.

Kahit walang usapin sa “climate change”, patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga pagkain, ngunit dahil sa “climate change” o “global warming”, lalo pang malala ang pagtaas ng mga presyo ng mga pagkaing ito mula 40% hanggang 194%.

Isinaalang-alang at ginamit sa pag-aaral ang iba-ibang modelo ng klima na nagpapakita ng pagbabago sa dami ng ulan at temperature upang maihugis ang modelong pangkabuhayan ng pandaigdigang agrikultura. Ang modelong pangkabuhayan o ekonomiya ay siya namang nagpapakita ng produksiyon, distribusyon, at kalakalan.

Ayon sa pag-aaral, higit na apektado ang mga bansang mahihirap sa Africa at Timog Asya. Ang pagsasaka na ikinabubuhay ng mga bansa sa lugar na ito ay apektado dahil ang agrikultura ay nakadepende sa panahon o “weather”. Pinakakawawa sa lahat kung magkakataon ay ang maliliit na magsasaka.

Ang malawak na kagutuman na bunga ng mababang ani, at mataas na presyo sa hinaharap ay maiiwasan pa rin kung susundin ang panukala ng pag-aaral sa lalong madaling panahon.

KAUNLARAN, posible pa ba?

Nang magpahayag si Noynoy Aquino ng kaniyang kandidatura bilang Pangulo ng Pilipinas, sinabi niyang ipagpapatuloy niya ang sinimulan ng kanyang mga magulang, lalo na ang mga programa ng kaniyang ina, Cory Aquino. Balik-aralan natin sa kasaysayan kung ano ang sinasabi ni Noynoy na kaniyang ipagpapatuloy.

Ilang buwan bago naging Pangulo si Gng. Aquino noong 1986, naglabas ng dokumento ang University of the Philippines School of Economics na nagsabing “The search for a recovery program that is consistent with a debt repayment schedule determined by our creditors is a futile one and should therefore be abandoned.”

Ang usapin ng pagbabayad sa utang panlabas ng bansa ay naging pangunahing usapin sa pag-upo ni Gng. Aquino ng taon ding iyon. Matatandaang pagkaupong-pagkaupo ni Gng. Aquino, pinuwersa siya ng IMF-WB (International Monetary Fund at World Bank) sa tulong ng mga komersiyal na bangkong kasangga nila na bayaran ang mga nasabing utang. Ang mga utang na ito ay nautang pa sa panahon ng pamahalaang Marcos. Sa madaling sabi, walang ibang naging pamimilian si Gng. Aquino kundi ang magbayad o hindi magbayad, sa kaalaman ng lahat na ang kabang bayan ng panahong iyon ay halos wala.

Naging magkasalungat ang Central Bank (sa pamumuno ni Jobo Fernandez) at NEDA (sa pamumuno ni Solita Monsod). Gusto ng Central Bank na bayaran ang mga utang na ito upang makaiwas sa mga parusang igagawad ng mga tagapagpautang tulad ng pagtigil ng pakikipagkalakalan sa atin ng ibang bansa, at paghinto ng tulong mula sa dayuhang bansa, na lalong magpapahirap sa mamamayang Pilipino. Ayon naman sa NEDA, ang alinmang nalalabing panalapi sa kabang bayan ay kailangang ilaan sa “domestic investment” o pagpapaunlad at muling pagbangon ng bansa, samakatwid ay nararapat ilaan ang gugol sa loob ng bansa.

Pinanigan ni Gng. Aquino ang Central Bank sa paglalabas nito ng Proclamation 50, at Executive Order 292 bilang pagkatig sa orihinal na tadhana ng PP 1177 ni Marcos na otomatikong maglalaan ng pambayad utang mula sa “national budget” taon-taon. Kasama sa babayarang ito ang walang pakinabang na Bataan Nuclear Power Plant.

Mula 1986 hanggang 1993, 8-10% ng gross domestic product o GDP ng bansa ang naibabayad sa utang panlabas taon-taon. Nakakapagtaka ang nangyari pagdating ng 1993, dahil sa halip na mabawasan ang utang panlabas, lalo itong nadagdagan. Mula 1986 hanggang 1993, nagbayad ang pamahalaang Aquino ng 30 bilyong dolyar ($30B), sa kabila ng $21B lamang ang aktwal na kabuuang pagkakautang ng bansa sa mga dayuhan. Nangyari ito dahil ang interes ng utang ayon sa kasunduan ay “variable” o batay sa pabago-bagong “rate” ng mga bangko. Kaya sa halip na mabawasan ang utang, lomobo ito sa $29B noong 1993, sapagkat napipilitan ang pamahalaan na mangutang muli upang bayaran lamang ang dati nang utang. Uutang para lang magbayad!

Sa kabuuang gastos ng pamahalaan, 7% lamang ang katumbas ng bayad interes sa dayuhang utang noong 1980, naging 28% noong 1994. Ang bayad sa kapital ng utang ay 26% ng “national budget, pero bumaba sa 16% noong 1994.

Naging pangunahing laan ng pamahalaan ang pagbabayad utang, kakambal nito ang pasweldo sa mga empleyado at pinuno ng gobyerno. Halos wala nang natira pa sa tinatawag na “capital expenditures”. Ang “capital expenditures” ay ang pondo o gastusin ng gobyerno na inilalaan sa mga “subsidies” sa mga “state universities” upang bumaba ang matrikula, sa NFA upang bumaba naman ang presyo ng mga pagkain, sa mga hospital upang bumaba ang presyo at dumami ang “stock” na gamot, sa NAPOCOR at mga water district upang bumaba ang bayarin sa kuryente at tubig, sa mga pagawain tulad ng dagdag na “class room”, kalsada, hospital, at iba pang imprastraktura.

Ipinatupad ng Pamahalaang Aquino ang mga patakarang minana sa Pamahalaang Marcos, at ayon ito sa tadhana ng “Structural Adjustment Programs” o SAP na ipinatutupad ng IMF-WB lalo na sa mga bansang kabilang sa “third world” o “underdeveloped countries”. Ang SAP ay naglalayong siguraduhing makakabayad ng utang ang isang bansang nangutang, sa pamamagitan ng pagtitipid, kahit pa masakripisyo ang mahahalagang programa ng gobyerno para sa kaniyang mamamayan, mga programang para sa tao at imprastraktura na saklaw ng tinatawag na “capital expenditures”.

Sa kaparehong panahon, mula 1987 hanggang 1991, nakatanggap ng dayuhang puhunan (Japan) ang bansa ng $797M, kumpara sa natanggap na puhunan ng Thailand na $23B.

Tumanggap din ng dayuhang puhunan mula sa Taiwan at Hongkong ang bansa na may kabuuang $1.6B, kumpara sa natanggap ng Thailand na $24B.

Ibig sabihin, ang pamumuhunan ng mga dayuhang bansa ay higit na pumapasok o pumapabor sa mga bansang higit na malulusog ang ekonomiya, kung saan malaki ang kikitain nila sa kanilang ipupuhunan. Kumpara sa Pilipinas, malaki ang laang gugol ng Thailand sa “capital expenditures” nito sa parehong panahon.

Dahil dito, sa buong panahon ng pamahalaang Aquino, 1-2% lamang ang paglago ng ekonomiya ng bansa, kumpara sa iba pang bansang Asyano na pumalo sa 6-10% taon-taon. Dahil ito sa halos walang dayuhang puhunang pumasok sa bansa, taliwas sa pambobola ng Central Bank kay Gng. Aquino na hindi umano matatakot ang dayuhang mamumuhunan sa atin pag masunurin tayong magbayad ng utang panlabas.

Kung paano tayo makakaahon sa sumpa ng utang panlabas, mainam pag-aralan ang karanasan at ipinakitang “political will” ng Argentina noong 2002. Pareho nating lubog sa dayuhang utang ang Argentina. Mula 2003 hanggang 2008 at sa kasalukuyan, lumago ang ekonomiya ng Argentina 10% taon-taon.

Ang determinasyon ng mga pinuno sa Argentina na ilaan ang pondo nila sa “domestic investment” sa halip na ipambayad lamang sa utang panlabas ang nagpaunlad dito, samantalang ang kawalan ng sariling pagpapasya sa panahon ni Gng. Aquino lalo na sa usapin ng reporma sa lupa, at pagbabayad ng utang panlabas, ang lalong nagpalubog sa hirap sa mamamayang Pilipino, at patuloy na nagpalubog sa panahon ni Gng. Arroyo, at patuloy ding magpapalubog sa habang panahon.

Sa papalapit na halalang 2010, tanungin natin ang mga kandidato nating “congressman”, senador, at Pangulo, kung ano ang “advocacy” nila tungkol sa usapin ng pagbabayad utang panlabas, na noon pa nagpapahirap sa mamamayan, panahon pa ng pamahalaang Marcos hanggang sa ngayon. Sa katotohanan, mas maliit na “budget” sa pagbabayad ng utang panlabas ay nangangahulungang mas malaking pondo para sa “domestic investment”. Malaking pondong laan ng gobyerno sa “domestic investment”, mas malaking “pork barrel” at Internal Revenue Allotment sa lahat ng pulitiko. Sa isang banda, pabor na sa kanila, pabor pa din sa atin.

Ang kahirapang dulot ng marahas na patakaran sa pagbabayad ng utang panlabas ay nararapat maging pangunahing “agenda” ng sinumang naghahangad maglingkod sa bayan, lalo na sa pambansang antas, sapagkat ang kaunlaran at simula ng wakas ng kahirapan ay magsisimula lamang sa unang oras na nabigyan ng solusyon ang utang panlabas.

Ang mga pulitiko o pinuno ng pamahalaan na hindi man lang pag-iisipan ang problemang ito, ay walang karapatang maglingkod sa taong bayan.

MAR: Bayan bago ang sarili

(Kabuuan ng kaniyang talumpati upang ipahayag ang kaniyang pagbibigay daan sa kapartidong si Sen. Noynoy Aquino ng LP sa Pampanguluhang 2010)

Bayan Bago Sarili. Iyan ang habilin ng aking lolo, President Manuel Roxas.
Our nation is in trouble. Leadership is bankrupt. Institutions are in disarray. People are hungry.
Noynoy Aquino and I share the same outrage over the mess we are all in, the same way we share the solution - clean, honest, selfless public service.
Marami at matindi ang mga problema ng bansa. Kailangan nating ayusin. Matindi ang kalaban. We need a determined force for good far stronger than the festering evil around us.
We need to fight just as our own fathers fought dictatorship, and just as both died believing that good will conquer evil.
Noynoy and I want to make a difference, but we also know that we need to unite to achieve what we want.
I am the President of the Liberal Party.
It is within my power to preside over a potentially divisive process or to make the party a bridge for the forces of change. I choose to lead unity, not division. Bilang pinuno ng aking Partido, magdedesisyon ako.
Mahal ko ang Partido Liberal. My grandfather founded it. My father led it during the most difficult times of Martial Law. Sa harap ng peligro, sa kabila ng napakaraming tukso - hindi siya sumuko.
He inspired me - to stay the course, to fight the good fight, to pass the test of true character. To believe.
Over the weekend, Noynoy and I had many long conversations... Masinsinang usapan. We agreed: Let us forget about ourselves for a moment. This is not about us, this is about our people and our country. This is about our common dream. The dream of our parents.
But let us not remain a country of dreamers. Tama na ang pangarap. Gawin na natin, ngayon.
Today, I am announcing my support for the candidacy of Noynoy Aquino for President in 2010.
Noy has made it clear to me that he wants to carry the torch of leadership.
The passing of our beloved former President Aquino has reawakened a passion among us. I acknowledge this as fuel to bring us to the realization of our dream: Good will triumph over evil.
Ito na ang pinakamabigat na desisyon sa buhay ko. Maniwala man kayo o hindi, ginagawa ko ito para sa bayan, para sa inyo. I do this for unity in support of change. And if that means that somebody must make the sacrifice, it must be me. Ako na.
To you Noy, I say: I began the campaign to sow the seeds para sa pagbabago at reporma. You must now be the one to grow them in the arena of leadership.
Hindi kami maghihiwalay ni Noy. I will stand with him.
At sa aking mga kababayan, sa mga nagtiwala sa akin: Mahal na mahal ko po kayo. Mahal na mahal ko po ang ating bayan. Hindi rin tayo maghihiwalay. Itutuloy natin ang pagbabago sa ating bansa. Itutuloy natin ang laban para sa reporma!
Kay Noy, at sa aking mga kababayan: Country above self! Bayan bago sarili!
Hindi ko kayo pababayaan! Lalaban tayo!

2010 AUTOMATED ELECTION

Ayon sa ginamit na pamantayan ng COMELEC sa ginanap na “bidding” kung saan nanalo ang SMARTMATIC, ang katangian ng botohan sa 2010 ay ang mga sumusunod:

1. Bago magsimula, ii-”initialize” ng BEI ang counter ng makina sa “0”, magpi-”print” ng “initialization report” sapagkat hindi pwedeng mag-umpisa ang botohan kung walang “initialization report”.
2. Bawat balota ay isusubo sa computer o makinang tinatawag na PCOS (precinct count optical scan). Ang PCOS ay katulad ng teknolohiyang OMR (Optical Mark Reader) kung saan ang balota ay babasahin ng isang “scanner”. Kung botante o technician, o isa sa BEI ang gagawa nito, ay hindi pa malinaw.
3. 2,000 “ballot sides”, o katumbas ng 1,000 balota ng 1,000 ding botante ang kayang i-”scan” o kopyahin ng makina , at isi-”save” ito sa “encrypted format” na “digital image”.
4. Isang makina ang gagamitin sa bawat 4 na “clustered precinct” o katumbas na 1,000 botante. Ang “printing” at “transmission” ng resulta ay hindi pa malinaw kung magmumula din sa mga makinang ito, o nakahiwalay ang gagamiting makina sa “printing” at “transmission” ng resulta bawat “clustered” precinct”. Kung black out, meron itong baterya na tatagal ng 12 oras.
5. Malalaman sa “display” ng makina kung tinanggap o nire-”reject” ang balotang isusubo dito. “Reject” ang balota kung higit na ito sa aktwal na bilang ng rehistradong botante. “Reject” din kung peke, pangalawang ulit nang isusubo, o balota ito ng ibang distrito o lugar.
6. Nakasulat na ang pangalan ng lahat ng kandidato sa lahat ng posisyon sa balota at mamarkahan na lamang. Babasahin ng makina ang mga “full” at “partial shades”, “check”, o “cross mark”, bolpen man o lapis ang pangmarka sa tapat ng bawat pangalan. Ngunit ayon sa COMELEC, magpapahiram sila sa botante ng akmang pansulat sa balota sa araw ng halalan. 15 segundo ang bilis ng pagbasa ng makina sa balotang isusubo, harap at likod.
7. Pagkatapos ng botohan, io-”authenticate” sa makina ng 2 BEI ang resulta, saka ito ita-”transmit” sa BOC (city hall) sa pamamagitan ng “onsite network access” o “internet”. Meron itong back up copy sa “USB” o “CD/DVD”. Bago isara ang halalan, magpi-”print” din ng ER ng “clustered precinct”, “audit log”, “transmission log”, at “statistical report”.
8. Upang i-”canvass” ang resulta sa distrito, mga resulta ng botohan sa makina ng “clustered precinct” ang gagamitin ng BOC sa sarili nitong makina sa “city hall”. Mga datos galing sa “transmission” ang gagamitin at hindi sa “back up CD/DVD” o “USB”.
9. Lahat daw ng gagamiting “hardware” o makina at pyesa nito ay “brand new”.

KUNG MAGKAKAROON MAN NG DAYAAN, walang makatitiyak. Ngunit isa lang ang malinaw, ang dating trabaho ng mga pollwatchers para bantayan ang boto ay hindi na epektibo sa 2010.

ELEKSIYON 2010

Sa ika-10 ng Mayo 2010, mahigit labinlimang libong posisyon ang ihahalal ng taong bayan sa buong bansa.

Maghahalal tayo ng isang (1) Presidente, 1 Bise Presidente, 12 Senador, 80 Gobernador sa mga lalawigan, 80 Bise Gobernador, 1,630 Punong Bayan at Lungsod, 812 Bokal, mahigit 13,000 konsehal pambayan at panglungsod, 219 kongresista, at 49 kongresistang Partylist.

Sa kabuuan, nahahati ang buong bansa sa 352,980 presinto, na binubuo ng mahigit 48 milyong rehistradong botante. 4 na milyon na ang tinatanggal ng Comelec sa listahan ng mga botante sa iba-ibang dahilan.

Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng halalan sa bansa, ngayon natin masusubok ang makabagong paraan ng paghahalal kung saan de-kompyuter na ang pagboboto at pagbilang ng boto.

Ayon kay Komisyoner Melo, ang Comelec ay maglalagay ng isang (1) makina sa bawat 1,000 botante. Katumbas ito ng apat (4) na pinagsama-samang presinto (clustered precinct). Sa kabuuan, 82,000 makina ang gagamitin para sa halalan.

Ayon pa rin sa mga tagapagtanggol ng “computerized election” mula sa Comelec, titiyakin nilang hindi sa mga makina manggagaling ang kapalpakan kung sakali mang magkaroon ng aberya sa halalan.

Ang mga dayaan tulad ng pag-nanakaw o pag-agaw ng balota, pananakot ng mga guro, pamimili at paghahakot ng boto ay maaaring nariyan pa rin.

Sabi naman ng mga walang tiwala, ang sistemang ipaiiral sa pamamagitan ng Precinct Count Optical Scan (PCOS), hindi nito tiniyak kung “verifiable” ba ang boto ng botante, na ang botong ito nga ang binasa talaga ng makina, sapagkat awtomatiko na ang pagtatala sa antas presinto at munisipyo.

Sa sistemang ito, sa sobrang bilis ng pagbilang, hindi na kailangan ng pollwatchers at iba pang tradisyunal na paraan upang mabantayan at mapangalagaan ang boto.

Dahil “software” ang nagpapagana nito, hindi rin bukas sa madla kung ang “program” na gagamitin ay malisyosong nakadisenyo upang magbawas o magdagdag ng boto na papabor sa isa o ilang kandidato.

Sa sobrang dami pa ring dapat na ipaliwanag sa bayan hinggil sa “election automation”, hindi konti ang nangangamba.


AGENDA 2013

FOOD SECURITY
(Pagtitiyak na may pagkain sa bawat mesa)

>Pagsasabatas at palagiang pagpapatupad ng programang “Tulong sa Mahirap”
>Pagsasabatas at palagiang pagpapatupad ng mga dagdag na suporta sa pamilyang mahihirap
>Pagsasabatas sa awtomatikong paglalaan ng tukoy na bahagdan mula sa netong kinita ng PAGCOR, at mula sa mga buwis na kinaltas sa sigarilyo, alak, at pook libangan
>Pagsasabatas sa awtomatikong paglalaan ng tukoy na bahagdan ng kita o buwis mula sa mga ni-“remit” na pondong galing sa mga OFWs, at ipapasa ang halagang malilikom dito sa pangangalaga ng NFA

RE-EMPOWERING BARANGAYS
(Pagpapalakas ng mga Barangay)

>Pagsasabatas ng mga mekanismo upang lalong mapalakas ang mga pamahalaang barangay, partikular ang mahalagang sandigan nito, ang mga halal at itinalagang pinuno at kawani
>Pagsasabatas ng dagdag na kapangyarihan at tungkulin sa Sangguniang Barangay, at paglalaan ng pondo rito upang ipatupad ang seryosong programang pangkalusugan ng mga kababaihan
>Pagsusog sa Cheaper Medicines Act 2008 na madagdagan ang listahan ng mga gamot sa Maximum Retail Price (MRP) lalo na sa gamot pang nanay, pang buntis, at pang-sanggol

EDUCATION
(Pagtitiyak sa maayos na pag-aaral at kinabukasan ng mga kabataan)

>Pagrebisa at pagpasa ng batas kaugnay sa Magna Carta ng mga Kabataang Pilipino
>Pagsasabatas ng mandatory summer job o internship o training, at titiyakin na ang lahat ng magtatapos ay makakahanap ng tamang trabaho

ENTREPRENEURSHIP
(Pagtitiyak sa pagkakaroon ng palagiang hanapbuhay para sa lahat)

>Pagpapasa ng batas na mag-oobliga sa mga bangkong pampamahalaan, at mga bangkong pagpapaunlad at komersyo na maglaan mula sa kanilang pondo ng 5-10% upang ipautang sa mga maliit na negosyante

Sino si TITA CORY?

(Halaw at salin mula sa artikulong nalathala sa Inquirer.net, Aug. 1, 2009)

Isinilang siya noong ika-25 ng Enero 1933. ika-7 at unang babaeng Pangulo ng Republika ng Pilipinas. Nanungkulan si Gng. Aquino bilang Pangulo mula ika-25 ng Pebrero 1986 hanggang ika-30 ng Hunyo 1992.

Mayaman ang kaniyang mga magulang na sina Don Jose Cojuangco at Doña Demetria Sumulong. Ika-6 siya sa 8 magkakapatid.

Noong 1946, tumungo ang pamilya Cojuangco sa U.S. at nag-”enroll” siya sa Ravenhill Academy sa Philadelphia, ngunit natapos siya ng pag-aaral sa Notre Dame College sa New York. Pumasok at nagtapos din siya sa Mount Saint Vincent College, dito din sa New York noong 1949 sa kursong AB French. Bumalik siya sa Pilipinas noong 1953 upang kumuha ng Abogasiya sa FEU, ngunit tumigil noong 1955 nang magpakasal sila ni Ninoy, na noon ay nagsisimula pa lamang maging isang pulitiko.
Biniyayaan sina Ninoy at Cory ng mga anak na sina Maria Elena (Ballsy), Aurora Corazon (Pinky), Victoria Eliza (Viel), Benigno III (Sen. Noynoy), at Kris.
Sa pagkamatay ni Ninoy noong 1983, nagsimula si Cory na maging lider ng oposisyon, kapalit ng kaniyang kabiyak, laban sa diktadura ni Marcos. Napatay si Ninoy sa Manila International Airport (NAIA ngayon) matapos siyang umuwi dito mula sa Estados Unidos, pagkaraan ng 7 taong “exile”.
Walang sino man ang nakasapantaha na magiging Pangulo si Gng. Aquino, ang unang babae na namuno sa bansa matapos mapabagsak si Marcos sa isang pag-aalsang popular na sinuhayan ng Hukbong Sandatahan noong 1986.
Nang manawagan si Marcos ng halalang Pampanguluhan noong 1985, naging kandidato si Gng. Aquino ng nagkaisang oposisyon. Bagaman naiulat na natalo siya kay Marcos sa bilangan, hindi naman kumbinsido ang mamamayan sa naging resulta ng halalan dahil laganap ang mga ulat tungkol sa pandarayang naganap sa iba-ibang lugar sa bansa.
Hindi nagtagal, pati matataas na pinuno ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas, na noon ay sunod-sunuran kay Marcos, ay nagsabing naging malawak nga ang pandaraya. Nagsimula ang panawagan mula sa militar na magbitiw na si Marcos, at kabi-kabila na ang nagpapahayag na si Gng. Aquino ang tunay na nagwagi sa halalan.
Noong ika-25 ng Pebrero 1986, kapwa nanumpa sina Gng. Aquino at Marcos bilang Pangulo ng Republika sa magkaibang lugar sa harap ng kani-kanilang mga taga-suporta. Ngunit nang araw ding iyon, umalis na sa bansa si Marcos.
Marso 1986, itinalaga ni Pangulong Aquino ang isang komisyon na lilikha ng Saligang Batas. Pagkaraan, ang Saligang Batas na ito ay pinagtibay ng 70% ng botanteng Pilipino.
Sa kabila ng suporta ng malawak na mamamayan, dumanas ng krisis kabuhayan at kahirapan ang kaniyang pamamahala, na lalong pinalala ng umiigting na rebelyong komunista, at kudeta ng militar.
Nakilala ang kaniyang pamahalaan sa sunod-sunod na kudeta militar, “black out”, at Mendiola massacre.
Ayon na rin kay Gng. Aquino, bago siya napasok sa pulitika, isa lamang siyang karaniwang maybahay na kuntento nang pagsilbihan ang asawa, anak, at pamilya.

NTD Movement Pinalakas

Pagkain Edukasyon, Hanapbuhay. Salamin ng mahusay na paglilingkod bayan.

Sa nakaraang maraming mga taon, lalo na sa huling tatlong taon, mula 2007 hanggang sa kasalukuyan, ay hindi nagkaroon ng makabuluhang pagbabago sa buhay ng mamamayan. Marami pa rin ang mahirap, marami pa rin ang hindi kumakain ng sapat sa maghapon.

Dahil dito, nagpasiya ang Partido ng Nagkakaisang Mamamayan o UCC na muling buhayin at lalong palakasin ang NTD Movement at langkapan ito ng mga programang tutulong at magpapaunlad ng mga komunidad sa ikalawang distrito ng lungsod.

Sa pag-aaral ng Partido, tatlo ang pangunahin at mahalagang pangangailangan ng pamilya, ang pagkain, edukasyon, at hanapbuhay.

Dahil sa mga nabanggit, ang bawat manggagawa ay nagpapakakuba at halos magpakamatay sa pagkayod araw-araw.

Hindi mabubuhay at hindi rin uunlad ang isang komunidad kung laganap ang gutom, kamangmangan, at kawalan ng trabaho sapagkat magiging talamak din ang nakawan, patayan, at masasamang bisyo. Sa paglaganap ng malulubhang karamdaman, mawawalan ng saysay ang lahat.

Nagsimula at matatapos ang panunungkulan ng Pangulong Arroyo sa loob ng isang dekada, at sa kabila ng pag-angkin niyang higit na maganda ang katayuan ng ating bansa kung ihahambing sa 2001 o 2004, higit na marami ang nagsasabing naghihirap pa rin ang mamamayanan, at nagugutom pa rin ang sambayanan.

Ang kalagayang ito ng kahirapan at kagutuman ang nagtutulak sa Partido upang lalong paghusayin ang paglilingkod sa bayan.

Sa tingin ng Partido, walang silbi ang alinmang gobyerno o pinuno nito kung hindi naman niya nagagawang baguhin ang kahirapan sa mga komunidad. Lubos ang paniniwala ng Partido na maraming pwedeng gawin ang isang halal na pinuno sa dalawa o tatlong taon sa tungkulin.

Marami sa mga pamilya ay lubog sa kahirapan. Marami sa kanila ay isa o dalawang ulit lamang kumakain sa maghapon. Ang kanilang mga anak ay hindi makapag-aral. Marami ang namamatay sa sakit dahil hindi maipagamot.
Pagkain, edukasyon at hanapbuhay, iyan ang pangangailangan sa maraming tahanan, iyan ang pangangailangan sa mga barangay, at iyan din ang makakapagpaunlad sa Caloocan.

Palagi nating naririnig ang mga pagnanakaw ng ilan sa pamahalaan, at umaabot ito sa bilyong bilyong piso.

Ngunit bihirang pagkakataon nating marinig kung may nagtangka na ibaba ang presyo ng bigas, asukal, noodles, de lata, mantika, at itlog.

Bihira din natin marinig na may nagtangkang pabababain pa kundi man tuluyang maging libre ang pag-aaral, uniporme, libro, at mga school projects.

Nakakatuwang marinig na may mangilan-ngilang nakikinabang sa Philhealth, ngunit nakalulungkot din dahil ilan pa lamang ang benepisaryo nito.

Higit na nakalulungkot din ang kalagayan ng mga naghahanap ng trabaho at naghahanap ng puhunan para sa hanapbuhay.

Tila ba ang kanilang pag-asa ay burado na sa kasaysayan.

Mababawasan lamang ang kahirapan at kagutuman ng bayan kung ilalaan ng gobyerno ang pondo nito sa pagkain, edukasyon, at hanapbuhay ng mamamayang Pilipino. Tunay ang kaunlaran kung ang lahat ay makikinabang.

MAHIRAP PA RIN SI JUAN

“At the end of this speech, I shall step down from this stage, but not from the presidency. My term does not end until next year, until then, I will fight for the ordinary Filipino. The nation comes first. There is much to do as head of state—to the very last day.”

Ito ang huling bahagi ng talumpati ng Pangulong Arroyo sa SONA noong ika-27 ng Hulyo 2009.

Inilarawan niya ang walang patid na paglago ng ekonomiya ng bansa sa loob ng 99 na buwan at paglobo nito sa 186 milyong dolyar sa loob ng halos 9 na taon.

Ngunit iba ang kapalaran ni Juan. Mahirap pa rin si Juan.

Dahil sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin.

Ayon sa datos ng Pamahalaang Arroyo sa taong 2007-2009, pinakamababa ang “inflation” o tantos ng bilihin o presyo ng mga serbisyo at produkto ngayon sa loob ng nakalipas na 22 taon. Pumatak ito ng limang bahagdan (5%) lamang ngayong 2009, noong 2008 ay 9.3%, at 2.8% sa 2007.

Ang presentasyong ito ay sadyang pinaganda sa paningin. Ngunit ang “kagandahan” nito ay bunga ng matarik na pagbagsak ng mga produktong petrolyo at nagresulta ng “negative inflation” o -5.6%, na naging dahilan ng pagsadsad ng pangkalahatang tantos ng inflation sa 2008-2009.

Bumaba man ang mga produktong petrolyo, ang mga produkto at serbisyo tulad ng pagkain, inumin, at mga katulad, ay tumaas naman (+3%) at hindi na muling bumaba sa kaparehong panahon (2008-2009).

Ang mga produktong petrolyo ay karaniwang ginagamit ng mga may kaya at may-ari ng mga sasakyan, pagawaan, pabrika at malalaking establisimyento, samantalang ang mga pagkain at kaugnay na produkto at serbisyo, ay binibili ng lahat.

Ang mababang “inflation” ngayon na ipinapasikat ng Pamahalaang Arroyo ay karaniwang pumapabor sa mga malalaki ang “purchasing power” dahil ang mga produktong kailangang kailangan ng mga mahirap ay hindi naman bumababa pa kahit sumasadsad na ang presyo ng mga produktong petrolyo.

Dahil sa bulag na patakaran ng pagbubuwis at maka-mayamang pamamahala.

Lahat ng bilihin ay may buwis. Lahat ng income na mataas lang ng konti sa minimum wage, meron ding buwis.

Pumapatong ang halaga ng buwis sa aktwal na halaga ng mga bilihin. Bumabawas ito sa aktwal o tunay na tantos ng “purchasing power”, lalo na ng mga mahihirap. Sa pagbaba ng “purchasing power”, nababawasan din ang dami ng mabibiling paninda at serbisyo, na ginagawa ng mga pagawaan at establisyemento, kung saan nagtatrabaho ang mga manggagawa at empleyado. Walang produksiyon, wala ring trabaho, at lalong walang makukulektang buwis ang pamahalaan.

Sa mga sunod-sunod na “survey” na inilabas sa antas rehiyong Asya, at mga “survey” na inilabas mismo sa loob ng bansa, tinuturing na lubhang talamak ang “corruption” o pagnanakaw sa kaban ng bansa. Ang kaban na ito ay mula sa mga direkta at di-tuwirang buwis na kinakatas mula sa “purchasing power” ng mamamayan, at karamihan sa kanila ay mamamayang mahihirap.

Sa pagnanakaw sa kaban ng bansa, tiyakang nababawasan ng mga pagawain at serbisyo ng pamahalaan na makakaapekto din sa mahihirap, at makakadagdag lalo sa kahirapan ng mga dati nang mahirap.

Dahil bahagi ang mga mahihirap sa kinukunan ng buwis sa lahat ng bagay na binibili nila, nararapat na i-”empower” ang mga mahihirap na ito sa lahat ng lugar at antas ng pamahalaan, lalo na sa pagsasagawa ng pagawaing bayan, o pamamahagi ng serbisyo ng pamahalaan. Hindi sapat na bibilhin lamang ang kanilang boto tuwing halalan, at pipirma sa mga “attendance form” na ilalakip upang ma-“liquidate” ang isang nagastos mula sa kaban ng pamahalaan.

Nararapat ma-institutionalized at dagdagan ang papel ng mahihirap liban sa pagiging “laborer” sa mga proyekto, at sanayin sila at i-obliga sukdulang swelduhan sila para manghuli ng magnanakaw sa pamahalaan. At pahintulutang gawin sa mga nahuling ito ang karaniwang ginagawa sa mga nahuhuling holdaper o “snatcher”. Binubugbog muna ng mga tambay bago ipadala sa presinto, at bubugbugin muli sa loob ng presinto.

Dahil sa mataas na matrikula, magastos na project, at hindi lapat na edukasyon sa tunay na pangangailangan ng bansa.

Palasak na ang mga datos na sa mga nag-“enroll” ng elementarya, ilan lamang ang nakatatapos, at mapalad ang umabot ng “high school” dahil sa hirap ng buhay. Nabibilang na lang sa daliri ang porsyento ng nakatutuntong sa kolehiyo, lalo na ang nakapagtatapos dito. Hindi na tinatanggap bilang “janitor” pag hindi “graduate” ng “high school”, hindi na rin tinatanggap sa pwesto ng Xerox at tindahan ng “softdrinks” pag hindi tapos ng elementarya.

Maraming walang diploma dahil marami ang walang pera. Mas konti ang pinag-aralan, mas maliit ang opurtunidad na makakuha ng trabahong ang sweldo ay sapat para mabuhay sa isang araw.

Ang lahat ng mapalad na nakapagtapos ng kolehiyo ay kailangang mag-aral uli dahil hindi naman sapat ang mga natutunan sa mga kolehiyo at unibersidad. Ayaw ng mga empresa at opisina ang diploma lamang sa kolehiyo, kailangan pa nila ang panibagong yunit ng espesyalisasyon, o kaya ay matataginting na karanasang hindi bababa ng anim na buwan.

Ang diploma sa kolehiyo ay katumbas lamang ng minimum wage o mas mababa pa, lalo na kung wala kang “backer” sa paghahanap ng trabaho. Mas mayaman ang pamilyang pinanggalingan, mas magandang trabaho ang mapapasukan.

Sa bandang huli, karaniwang “end-o” (“end of contract”) ang kapalaran ng marami pagkaraan ng lima o anim na buwan sa pinasukang trabaho.

Tuesday, August 4, 2009

Baha

Ika-26 ng Hulyo, paglubog ng araw ay lumubog din ang Caloocan sa ilalim ng tubig matapos umulan nang malakas at walang tigil sa loob ng ilang oras.

Lubhang naapektuhan ang mga barangay na nadaanan ng Casili Creek (Silangan at Kanlurang Gracepark). Nakadagdag din sa baha ang kasabay na pagpapawala umano ng tubig mula sa karatig na dam (La Mesa Dam).

Hindi pa man tumitila ang ulan, kumilos agad ang UCC at ang NTD Movement kasama si Atty. NILO T. DIVINA upang mamahagi ng pagkain sa mga apektadong komunidad. Sa pakikipagtulungan ng mga Sangguniang Barangay, mabilis na nabigyang tulong ang mga barangay sa tabi ng riles at Dagat-dagatan, Barrio San Jose, at sa mga barangay na nakapaligid sa La Loma.

Hanggang sa kasalukuyan, patuloy na namamahagi ng tulong ang UCC at NTD Movement sa mga biktima ng baha.

Monday, August 3, 2009

Tita Cory





Tie a yellow ribbon ‘round the old oak tree
It’s been three long years, do you still want me?

If I don't see a ribbon round the old oak tree
I’ll stay on the bus forget about us
Put the blame on me…

Sa muling pag-alingawngaw ng awit na ito simula nang sumakabilang buhay si Cory Aquino noong ika-1 ng Agosto, hanggang sa pagkahatid sa kaniyang huling hantungan, nanariwa ang alaala ng Rebolusyong EDSA. Hindi iilan ang nagkaroon ng bikig sa lalamunan at lumuha.

Marami lalo na ang mga hindi pa naisilang sa panahon ng Rebolusyon ang nagtaka kung bakit ang awiting ito ay nagpapaluha ngayon sa mga tao, lalo na kung ipinatutungkol sa mga pasakit na dinanas at kabayanihang pinamalas ni Tita Cory.

Ang pagkamatay ni Tita Cory ay nagbigay ng pagkakataon sa lahat upang maikwento ang karanasan nila sa rebolusyong tila limot na ng lahat. Sa pamamagitan ng awit na ito, naipaalala muli sa atin ang mga masasaya, mapapait, at panganib na dinanas sa kasaysayang kabahagi ng pakikibaka ng ating mga kapatid at magulang sa lupit ng batas militar at diktadurya.

Ang sandaling tulad nito, bagaman bibigkasin natin ang pamamaalam sa isang Kasamang hindi natin malilimutan, ay hindi lamang taimtim na pagluluksa, kundi malalim na pagninilay-nilay tungkol sa kalooban niyang kailanman ay hindi sumuko, kundi ay bukal ng lakas at liwanag ng sambayanan— kung saan dapat tayong maging mulat sa tibay ng kaniyang panananalig, na siyang nagbigay sa kaniya ng ibayong lakas sa buong panahon ng kaniyang pagkabuhay.

Kahit sa kamatayan, kasama ni Ninoy, ipinamulat nila sa atin ang hindi matatawarang panananalig sa Diyos, at sa bayan. Na sa huling sandali ng kanilang buhay, ang pananampalatayang ito ay hindi nanikluhod, nanatiling matatag ang buong paniniwala nila sa kaganapan ng tunay na kalayaan para sa lahat.

Sa pagsasara ng tabing sa bahaging ito ng ating kasaysayan, marapat na ipaglaban pa rin ang mga adhikaing pinagbayaran ni Ninoy ng kaniyang buhay, na buong katapatang isinabuhay ni Tita Cory: KALAYAAN, KATARUNGAN, at KAPAYAPAAN para sa lahat. PAALAM Tita Cory. Tuloy pa rin ang Laban…

IKA-26 NA TAONG PAGGUNITA sa kamatayan ni NINOY ay ginanap ika-21 ng Agosto 2009 sa iba-ibang lugar sa buong bansa. Ang pangunahing tema ay “DILAW PARA SA PAGBABAGO” at “PILIIIN ANG TAMA AT TOTOO”.

Thursday, July 23, 2009

Sona 3

Ang panayam ng mga Kagawad ng Sona 3 kay Atty. NILO DIVINA na ginanap noong ika 22 ng Hulyo 2009 sa Barangay 27. Ang pulong ay pinangunahan ni Kag. Antonio Pajar at ng kaniyang maybahay.

Dumalo sa pulong ang mga kagawad ng iba-ibang barangay sa Sona 3. Nagkaroon ng "open forum" at tinalakay ni Atty. Divina ang hinggil sa pag-"review" ng mga nararapat na benefits sa mga kawani at pinuno ng mga barangay, upang higit nilang mapaglingkuran ang mamamayan, at makaagapay sa pagpapaunlad ng mga pamayanan.

Tuesday, July 21, 2009

Sona 10

“Habang maraming naghihirap at nagugutom sa Caloocan, marami pa ring pwedeng gawin” ayon kay Atty. NILO DIVINA nang tinukoy niya ang mga dahilan upang higit na pag-ibayuhin ng mga pinuno sa komunidad at pamayanan ang paglilingkod sa isang pulong ng mga Punong Barangay sa Sona 10 na ginanap noong ika-20 ng Hulyo 2009 sa MagicLand, sa Biglang Awa. Aniya pa, habang mayroong mga tao na nagnanais iangat ang kalagayan ng mamamayan, hindi dapat mawalan ng pag-asa ang taong bayan lalo na sa gitna ng kasalukuyang pandaigdigang krisis.

Naging panauhin din si G. Egay Erice, dating Congressman ng Ikalawang Distrito ng Lungsod ng Caloocan. Binigyang diin ni G. Erice ang kahalagahan ng mga Punong Barangay sa matatag na pagkakaisa ng buong pamayanan tungo sa isang layunin.

Sa kalagitnaan ng pagtitipon, dumating ang Punong Lungsod Enrico “Recom” Echeverri at ibinalita sa lahat ang nalalapit nang pagpapatayo ng isang makabagong Sports Center na mayroong kapasidad na 5,000. Aniya, ang imprastrakturang ito ay mahalaga upang muling sumigla ang kabuhayan ng mamamayan sa lugar na pagtatayuan, na sa kasalukuyan ay mga abandonadong gusali sa Sona 9.

Isang “open forum” ang isinagawa pagkatapos magsalita ng Punong Lungsod at naging masigasig ang lahat sa pakikibahagi sa talakayan.

Dumalo sa pagtitipong ito sina Punong Barangay Aurelio Biluan (Brgy 107), Rowena Cabal (108), Domingo Ade Notario Jr. (109), Ronaldo Bolival (110), Jesus Palomata (111), Pacifico Corpuz (112), Armando Estoesta (113), Arturo Manabat (114), Rodel Robles (115), Cipriano Roscano (117), Proly Bolo (118), Donato Magat (119), at Punong Barangay Jose Cabardo (120).

Ang pagtitipon ng mga Punong Barangay ng Sona 10 ay pinangunahan ng Zone Chairman PB Donato Magat at Kalihim nito na si PB Rowena Cabal.

Kaugnay pa rin ng pagtitipong ito, nauna na silang nagkita-kita nang nakaraang araw sa kaarawan ni PB Armando Estoesta kung saan dumalo din ang mga nasa itaas noong ika-19 ng Hulyo. Naging panauhin sa kaarawan sina Atty. Divina at G. Erice.











Sulo Hotel

“Hindi ko hahayaang maagrabyado ang mga Barangay. Ang paglilingkod sa mamamayan ay hindi sa paraang paboritismo. Maliit o malaki ay dapat mabiyayaan sa pondo ng bayan.” Ito ang pahayag na binitawan ni Atty. NILO T. DIVINA sa isang pagtitipon ng mga Zone Chairman at piling Punong Barangay na ginanap sa Sulo Hotel, Lungsod ng Quezon noong ika-17 ng Hulyo 2009.

Ang pagtitipon ay nagkataong kaarawan ni Punong Barangay (PB) Lodimer Claudio ng Barangay 39, na siya ring Zone Chairman ng ika-apat na Purok (Zone) ng Ikalawang Distrito, Lungsod ng Caloocan.

Dumalo ang mga Tagapangulo ng mga Purok na sina PB Mario Cajucom (Barangay 3, Zone 1), Raul Galit (Bgy 14, Zone 2), Lodimer Claudio (Bgy 39, Zone 4), Gerry Go (Bgy 53, Zone 5), Sixto Soriano (Bgy 65, Zone 6), Peewee Nicolas (Bgy 78, Zone 7), Deo Bustillos (Bgy 100, Zone 9), Donato Magat (Bgy 119, Zone 10), at Punong Barangay Wilmilson Amoyo (bgy 130, Zone 11).

Dumalo ang mga piling panauhing Punong Barangay na sina Punong Barangay Delfin Zamora (7), Lenny Binuya (9), Jackie Carlos (11), Conrado Cruz (Bgy 12), Rolly Mercado (16), Rosa Justo (20), Alfredo Miguel (26), Alejandro Fernandez (32), Greg del Rosario (33), Roseller Arcadio (34), Enrique Talub (36), Beato Año (38), Roy Teodoro (46), Ronaldo Escala (55), Zoilo Luis Bautista (60), Carol Cunanan (61), Nilo Miranda (62), Tobias Dimalaluan at kaniyang anak Kagawad Glenn Dimalaluan (73), Serafico Placer (74), Bernard Yuson (86), Albert Bañes (91), Melquiades Bonifacio Jr. (93), Alma Masangcay (98), Aurelio Biluan (107), Arturo Manabat (114), Jose Cabardo (120), at Punong Barangay Marcial Oliva (122).

Ang pulong na ito ay pinangunahan ni PB Conrado Cruz (Bgy 12), na tumayong Tagapagkilala, kasama ni PB Aurelio Biluan (Bgy 107) sa pagtitipong iyon.

Wednesday, July 15, 2009

Sona 8 at 9

“Gusto kong malagay sa mapa at kilalanin ang Caloocan bilang isang payapang lungsod at lungsod na maunlad”. Ito ang pahayag ng panauhing pandangal na si Atty. NILO T. DIVINA sa pulong at salo-salo na dinaluhan ng mga Punong Barangay ng Sona 8 at 9 na ginanap noong ika-15 ng Hulyo 2009 sa Orient Pearl Restaurant sa lungsod na ito.

Ayon pa kay Atty. Divina, susi sa kaniyang hangarin para sa lungsod ang walang kapagurang pagsisikap na makapaglingkod sa kanilang nasasakupan ang mga Punong Barangay.

Dumalo ang mga Punong Barangay ng Sona 8 na sina PB Bernardo Yuzon ng Barangay 86, Albert Bañez (ng Barangay 91), at “Sonny” Bonifacio ng Barangay 93.

Dumalo mula sa Sona 9 ang mga Punong Barangay na sina PB Lydia Mesina (94), Rolito Nunag (95), “Lito” Rubio (96), Alma Masangcay (98), Antonio Danganan (99), Deo Bustillos (100), Macario Ferrolino (101), Nestor Foronda (102), Harris Cheng (104), at “Tess” Pablo ng Barangay 105.

Umaasa ang lahat na ito ay simula lamang tungo sa higit na mabunga at kapaki-pakinabang na pagtutulungan.

Sona Dos

“Ang tuloy-tuloy at ganap na pag-unlad ng mga barangay ay magiging katotohanan kung may pagkakaisa, laging nagkakaugnay, at nagtutulungan”, ito ang pahayag ng mga Punong Barangay ng Sona Dos sa Ikalawang Distrito ng Lungsod ng Caloocan sa pagtatapos ng kanilang pulong at talakayan sa ginanap na munting salo-salo noong ika-14 ng Hulyo 2009 sa Barangay 17.

Inaanyayahan sa pulong na ito si Atty. NILO T. DIVINA bilang panauhing pandangal. Pinuri niya ang mga inisyatiba ng mga Punong Barangay ng Sona Dos upang lalong mapahigpit at mapalalim ang kanilang ugnayan at pagtutulungan. Aniya pa, susi ang mga Punong Barangay sa pagsasakatuparan ng kanilang hinahangad na kaayusan at kaunlaran.

Sinabi rin ni Atty. DIVINA, na lalong mapahuhusay ang serbisyong natatanggap ng mga nasasakupan kung palagian din ang pakikiugnay sa Pamahalaang Lungsod at iba pang kinatawan ng Pamahalaan. At sa huli, binigyan niya ng diin ang kahalagahan ng tungkulin ng isang Punong Barangay .

Dumalo sa pulong talakayan na ito sina Punong Barangay Raul Galit ng Barangay 14, “Ricky” Santos (Brgy 15), “Rolly” Mercado (16), “Buboy” Bernardo (17), “Coach” Nadurata (18), Rosa Justo (20), Joseph Mapue (21), “Carding” Bagus (22), Rodolfo Bustamante (23), at “Benny” Sayo ng Barangay 24.

Tuesday, July 14, 2009

Akbayan

Pinangunahan ni Atty. NILO T. DIVINA ang panunumpa sa tungkulin ng mga bagong halal na pinuno ng Kapit Kamay Tungo sa Pag-unlad (KKTP), isang samahang progresibo na kinabibilangan ng mga lider pamayanan sa Ikalawang Distrito ng Lungsod ng Caloocan. Si Atty Divina ang napiling Panauhing Pandangal ng nasabing samahan.

Ang KKTP na kasalukuyang pinangunguluhan ng bagong halal na Pangulo nito na si G. Manuel Morante, dating Kagawad ng Barangay 120, ay isang lokal na samahang kaugnay o kasanib ng AKBAYAN, isang multisektoral na lapiang pampulitika sa Kongreso.

Sa naging pahayag ni Atty. Divina sa kaniyang talumpati pagkaraan ng panunumpa sa tungkulin ng mga nahalal na pinuno, kinikilala niya ang malaking ambag ng AKBAYAN sa pagsusulong at pagtatanggol nito ng mamamayan sa larangan ng katarungang panlipunan, kapangyarihang bayan, at pagpapaunlad ng mga pamayanan. Lubos aniya ang kaniyang pakikiisa sa mga nabanggit na layunin.

Tinagubilinan din ni Atty. Divina ang mga pinuno at kasapi ng KKTP at AKBAYAN na patuloy na magkaisa at kumilos para sa mga nabanggit na layunin, lalo na
ang pagsusulong sa kapakanan ng mga maralitang mamamayan sa mga komunidad.

Dumalo din sa pagtitipong ito ang kasalukuyang Pangulo ng Akbayan Caloocan na si G. Antonio Magandi.

Kahirapan

Dahil sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin. Ayon sa datos ng Pamahalaang Arroyo sa taong 2007-2009, pinakamababa ang “inflation” o tantos ng bilihin o presyo ng mga serbisyo at produkto ngayon sa loob ng nakalipas na 22 taon. Pumatak ito ng limang bahagdan (5%) lamang ngayong 2009, noong 2008 ay 9.3%, at 2.8% sa 2007.

Ang presentasyong ito ay sadyang pinaganda sa paningin. Ngunit ang “kagandahan” nito ay bunga ng matarik na pagbagsak ng mga produktong petrolyo at nagresulta ng “negative inflation” o -5.6%, na naging dahilan ng pagsadsad ng pangkalahatang tantos ng inflation sa 2008-2009.

Bumaba man ang mga produktong petrolyo, ang mga produkto at serbisyo tulad ng pagkain, inumin, at mga katulad, ay tumaas naman (+3%) at hindi na muling bumaba sa kaparehong panahon (2008-2009).

Ang mga produktong petrolyo ay karaniwang ginagamit ng mga may kaya at may-ari ng mga sasakyan, pagawaan, pabrika at malalaking establisimyento, samantalang ang mga pagkain at kaugnay na produkto at serbisyo, ay binibili ng lahat.

Ang mababang “inflation” ngayon na ipinapasikat ng Pamahalaang Arroyo ay karaniwang pumapabor sa mga malalaki ang “purchasing power” dahil ang mga produktong kailangang kailangan ng mga mahirap ay hindi naman bumababa pa kahit sumasadsad na ang presyo ng mga produktong petrolyo.

Dahil sa kawalan o kakulangan ng hanapbuhay o trabaho. Ang bilang ng OFW ay salamin ng bilang ng mga walang trabaho sa Pilipinas, dahil kaya sila nag-“abroad” ay dahil walang opurtunidad ang karamihan sa kanila dito sa bansa. Sa bilang ng mga OFW, na karaniwang nagmula sa mahihirap na pamilya o lugar, idagdag pa ang bilang ng mga Pilipino na aktwal na “un-employed” sa Pilipinas, iyon ang kabuuan ng “deficit” sa bilang ng trabaho na kinakailangang malikha upang humupa kundi man tuluyang mabura ang “un-employment rate”.

Ang tunay na “unemployment rate” ay “OFW + unemployed”. Sa patuloy na paglala ng “un-employment”, lalong tumataas ang tinatawag na “poverty incidence” o yaong itinuturing ang sariling mahirap ang buhay sa humigit kumulang limampong bahagdan (50%). Kawalan ng palagiang hanapbuhay ang dahilan.

Dahil sa bulag na patakaran ng pagbubuwis at maka-mayamang pamamahala. Lahat ng bilihin ay may buwis. Lahat ng income na mataas lang ng konti sa minimum wage, meron ding buwis.

Pumapatong ang halaga ng buwis sa aktwal na halaga ng mga bilihin. Bumabawas ito sa aktwal o tunay na tantos ng “purchasing power”, lalo na ng mga mahihirap. Sa pagbaba ng “purchasing power”, nababawasan din ang dami ng mabibiling paninda at serbisyo, na ginagawa ng mga pagawaan at establisyemento, kung saan nagtatrabaho ang mga manggagawa at empleyado. Walang produksiyon, wala ring trabaho, at lalong walang makukulektang buwis ang pamahalaan.

Sa mga sunod-sunod na “survey” na inilabas sa antas rehiyong Asya, at mga “survey” na inilabas mismo sa loob ng bansa, tinuturing na lubhang talamak ang “corruption” o pagnanakaw sa kaban ng bansa. Ang kaban na ito ay mula sa mga direkta at di-tuwirang buwis na kinakatas mula sa “purchasing power” ng mamamayan, at karamihan sa kanila ay mamamayang mahihirap.

Sa pagnanakaw sa kaban ng bansa, tiyakang nababawasan ng mga pagawain at serbisyo ng pamahalaan na makakaapekto din sa mahihirap, at makakadagdag lalo sa kahirapan ng mga dati nang mahirap.

Dahil bahagi ang mga mahihirap sa kinukunan ng buwis sa lahat ng bagay na binibili nila, nararapat na i-”empower” ang mga mahihirap na ito sa lahat ng lugar at antas ng pamahalaan, lalo na sa pagsasagawa ng pagawaing bayan, o pamamahagi ng serbisyo ng pamahalaan. Hindi sapat na bibilhin lamang ang kanilang boto tuwing halalan, at pipirma sa mga “attendance form” na ilalakip upang ma-“liquidate” ang isang nagastos mula sa kaban ng pamahalaan.

Nararapat ma-institutionalized at dagdagan ang papel ng mahihirap liban sa pagiging “laborer” sa mga proyekto, at sanayin sila at i-obliga sukdulang swelduhan sila para manghuli ng magnanakaw sa pamahalaan. At pahintulutang gawin sa mga nahuling ito ang karaniwang ginagawa sa mga nahuhuling holdaper o “snatcher”. Binubugbog muna ng mga tambay bago ipadala sa presinto, at bubugbugin muli sa loob ng presinto. “Joke” lang! Pero sana nga mangyari sa mga “buwaya” at “buwitre”, lalo na yaong kung makapagbulsa ay umaabot ng PhP 200M. Pero kahit sentimong mawala, ay pagnanakaw pa rin.

Dahil sa mataas na matrikula, magastos na project, at hindi lapat na edukasyon sa tunay pangangailangan ng bansa. Palasak na ang mga datos na sa mga nag-“enroll” ng elementarya, ilan lamang ang nakatatapos, at mapalad ang umabot ng “high school” dahil sa hirap ng buhay. Nabibilang na lang sa daliri ang porsyento ng nakatutuntong sa kolehiyo, lalo na ang nakapagtatapos dito. Hindi na tinatanggap bilang “janitor” pag hindi “graduate” ng “high school”, hindi na rin tinatanggap sa pwesto ng Xerox at tindahan ng “softdrinks” pag hindi tapos ng elementarya.

Maraming walang diploma dahil marami ang walang pera. Mas konti ang pinag-aralan, mas maliit ang opurtunidad na makakuha ng trabahong ang sweldo ay sapat para mabuhay sa isang araw.

Ang lahat ng mapalad na nakapagtapos ng kolehiyo ay kailangang mag-aral uli dahil hindi naman sapat ang mga natutunan sa mga kolehiyo at unibersidad. Ayaw ng mga empresa at opisina ang diploma lamang sa kolehiyo, kailangan pa nila ang panibagong yunit ng espesyalisasyon, o kaya ay matataginting na karanasang hindi bababa ng anim na buwan.

Ang diploma sa kolehiyo ay katumbas lamang ng minimum wage o mas mababa pa, lalo na kung wala kang “backer” sa paghahanap ng trabaho. Mas mayaman ang pamilyang pinanggalingan, mas magandang trabaho ang mapapasukan.

Sa bandang huli, karaniwang “end-o” (“end of contract”) ang kapalaran ng marami pagkaraan ng lima o anim na buwan sa pinasukang trabaho.

MASWERTE
tayo, dahil kung sakali mang sumakit na ang ulo natin sa kakaisip ng mga lunas sa dahilan ng kahirapan, nagkalat naman ang botikang bilihan ng gamot sa sakit ng ulo. Ngunit sa kabila ng pagkakaroon ng “cheaper medicine law” pinagtibay ng Kongreso noon pang 2008, mataas pa rin ang mga presyo ng gamot. Mahirap talagang maging isang mahirap.

Sunday, July 12, 2009

Byahe

Lubhang abala ang Pangulong Arroyo. Mula 2005 hanggang nitong Hunyo 2009, nakabuo na siya ng 52 byahe sa 30 bansa, at maaaring gumastos na ng humigit kumulang o mahigit na sa Dalawang Bilyong piso (PhP 2,000,000,000.00) mula sa kaban ng bayan.

Ayon sa mga datos mula sa COA, Senado at dyaryo, noong 2005 ang kabuuang gastos sa mga byaheng ito ay PhP 210,000,000.00. Lomobo ito sa PhP 482,000,000.00 noong 2006 o katumbas ng dalawampung porsyento (20%) ng kabuuang laang gugol ng Tanggapan ng Pangulo. Lalo itong lumaki pagsapit ng 2008 (PhP 800,000,000.00).

Nakabiyahe na siya ng 10 ulit sa US, 7 sa China, 7 sa Japan, 6 sa Malaysia, at 4 sa Brunei; tig-3 sa UK, South Korea, at Hongkong; tig-2 sa Mexico, Italy, Bahrain, at Dubai; at tig-1 sa mga bansang Cambodia, Singapore, Indonesia, Kuwait, France, Chile, Vatican City, Saudi Arabia, Macau, New Zealand, Australia, Switzerland, Peru, Qatar, Egypt, Syria, Russia, at Brazil.

Ayon nga kay G. Amando Doronila ng PDI, sa dami ng byaheng ito, ay umaalis ang Pangulong Arroyo ng 5 ulit sa isang taon papunta sa lahat ng kontinente liban sa Africa. Ayon pa sa kaniya, maaaring ang naipong “mileage credit” ay maging sapat na upang makatipon siya ng ilang tiket pa para sa panibagong byahe.

Ayon pa rin sa komento ng mga nagmamasid, walang alinlangang siya na ang pinakabyaherang Pangulo ng bansa mula nang maitatag ang Republika, at maaari pa ngang pinakabyaherang pinuno ng bansa sa buong mundo.

Ang mga byaheng ito ay nakatawag na ng pansin ng Komite sa Pinansiya ng Senado, at kung matutuloy ay isang pagtatanong-siyasat ang kanilang isasagawa.

Bomba

Sunod-sunod ang pagsabog ng mga bomba, at marami na ang napapatay at nasasaktan lalo na sa Mindanao. Maraming natatakot at nakakaramdam ng bangungot sa kasalukuyang mga pangyayari.

Una nang pinagtangkaan ang mga Tanggapan ng Ombudsman at Kagawaran ng Panakahan. Maraming nagsabi na pakana lamang ito ng Pamahalaang Arroyo. Ang mga pambobombang nakamamatay ay nagdulot ng kaguluhan, subalit ang nangyari sa bakuran ng Ombudsman at Panakahan ay nagpataas ng maraming kilay. Inaalam pa ang tunay na salarin sa lahat ng ito. At marami na silang naituro subalit hindi pa napatutunayan.

Ang sunod-sunod na pambobomba ay mga pamamaraan upang lumikha ng kaguluhan o kalituhan at kalagayang magbubunsod ng krisis, na gagawing dahilan upang magpatupad ng mga patakarang mapanupil mula sa Pamahalaan. Sa biglang tingin, maaaring wasto ang ganitong palagay, subalit alam ng marami, masyado itong bulgar at halatain.

Hindi rin matatawaran ang iniisip ng iba na ito ay isa lamang pangubli, panglibang o panligaw. Isang “diversionary tactics” mula sa mga tunay na usapin o pangyayari.

Halos kasabay ng mga pagsabog ang naiulat na rigodon sa Kabinete ng Pangulong Arroyo lalo na sa mga pinunong may kaugnayan sa patakarang pangseguridad. Ang lahat ng ito ayon sa dating Senador Franklin Drilon ay panimulang pangitain tungo sa pagpapatupad ng isang “emergency rule”.

Ayon pa rin sa kaniya, si G. Hermogenes Esperon na kasalukuyang pinuno ng PMS ay itatalaga bilang Kalihim ng Depensa, samantala, si Atty. Gilbert Teodoro ay ililipat sa Kagawaran ng Katarungan. Si Atty. Devanadera naman ay babalik bilang Solicitor General mula sa Kagawaran ng Katarungan.

Si G. Hermogenes Ebdane, katatalaga lamang bilang OIC ng DILG habang Kalihim pa rin ng DPWH, ay magiging permanenteng Kalihim na ng DILG. Dahil kay G. Ebdane, ang sapantaha hinggil sa paparating na “emergency rule” ay tila may basehan, ayon pa rin sa dating senador Drilon.

Bago nangyari ang mga ito, matagal nang umiiral ang usapin ng Con-Ass. Kaalinsabay ang pagtatangka ng mga kapanalig ng Pangulong Arroyo na subukan ang pagtitimpi ng mamamayan, at ng mga taimtim na nagmamasid. Pagkatapos ng inaasahang “pag-iisang dibdib” ng LAKAS at KAMPI, nagpahayag ng opinyon si G. Norberto Gonzales ng pagnanasa niyang ipanukala sa mga lider ng Kongreso, mga taong simbahan, at iba pang sektor ang pagtatayo ng isang Pamahalaang Rebolusyonaryo, na pamumunuan ng Pangulong Arroyo. Ang pahayag niyang ito ay bilang sagot sa lumaganap na espekulasyon hinggil sa pagtakbo ng Pangulo bilang Congressman sa Pampanga.

At ngayon nga, ang pagpapatibay ng “House Resolution 1109”. Mahuhusgahan ang bisa nito sa sa araw at oras ng huling SONA ng Pangulo, kung magiging ganap ang Con-Ass.

Ang pinakahuling pangyayari ay ang pagkakatalaga kay G. Ebdane bilang OIC ng DILG kapalit pansamantala ni G. Ronaldo Puno, na nakabakasyon ng dalawang linggo lamang. Sa karaniwang kalagayan, itatalaga bilang OIC ay ka-departamento rin, pero sa kalagayang ito, ay si G. Ebdane ng DPWH. Marami ang nagulumihanan. Tulad ng sinabi ng dating senador Drilon hinggil dito, “unusual” ito.

Nasa kontrol ni G. Ebdane sa ngayon hindi na lamang ang pagawaing bayan, kundi ang buong PNP, at ang lahat ng pamahalang lokal, kasama na ang mga pondo nila. Isa si G. Ebdane sa mga kilalang heneral na malapit sa pamilya ng Pangulong Arroyo.

Ang rigodon ng mga dating Heneral sa loob ng pamahalaan ng Pangulong Arroyo ang higit na nakakapangambang bombang sasabog sa hinaharap. Hinuhulaan nang mangyayari ito, at malapit nang mangyari, maging ng dating kakampi ng Pangulo, si Congressman De Venecia.

Higit dekada ang pinagsamahan nina Congressman De Venecia at Pangulong Arroyo bilang magkapanalig. Walang masamang maniwala sa kaniyang babala, o isaalang-alang man lang ang kaniyang mga “hula”.

Emergency Rule? Gloria forever? Malas kung magkatotoo, nagka-impyerno sa lupa.

Con-Ass

Kamakailan, nasaksihan ng buong bayan ang pagmamadali ng Mababang Kapulungan ng Kongreso upang pagtibayin ang “House Resolution 1109”, kung saan ang Kongreso ay magsisilbing isang “Constituent Assembly” o Con-Ass, na magtutukoy at magpapatibay ng pagbabago sa ating Saligang Batas.

Sapilitan ang naging proseso, dahil sa halip na isumite ang napakahalagang usaping ito sa serye ng masinsinang pag-aaral at talakayan sa loob ng Kapulungan, sinadya na lamang itong pagbotohan (viva voce) nang walang anupamang pagtalakay sa merito ng panukalang Con-Ass.

Sa kabila ng kulang dalawampong taon lamang ng ating Saligang Batas mula nang ito ay pagtibayin ng mahigit pitumpong bahagdan (76%), mula pa sa panahon ng Pamahalaang Ramos at Estrada, at hanggang sa kasalukuyan, ito ay walang tigil na napagdidiskitahan. Tila ba ang Saligang Batas na ito ay talamak sa pagkukulang, kundi man puno ng kamalian.

Sa Panahon ng Pamahalaang Ramos, sa pamamagitan ng PIRMA, nagpanukala itong palitan ang porma ng pamahalaan mula Panguluhan tungong Parlamentaryo, at tanggalin ang pagbabawal sa mga dayuhan hinggil sa lubos na pagmamay-ari ng lupa, at paglahok sa mga negosyong lokal na orihinal na nilalaan lamang sa mga Pilipino. Sa panahon ng Pangulong Arroyo, higit na pinalawak ang panukala sa pagbabago ng Saligang Batas. Idinagdag ang pagpapahaba ng panahon ng panunungkulan ng mga nahalal mula 3 hanggang 5 taon.

Sa kasawiang palad, lahat ng panukala sa pagbabago ng Saligang Batas ay hindi epektibong naipaliwanag o napagtalakayan. Dahil sa batbat ng mga kalabuan, lumulutang ang mga pangamba kung ano ang tunay na motibo sa lahat ng mga pagsisikap na baguhin o amyendahan ang Saligang Batas.

Kung mayroon mang matapat at sapat na dahilan upang baguhin ang Saligang Batas, nabigo itong lumapat sa kamalayan at kamulatan ng bayan, at patuloy na humahalo sa karambola ng mga pampulitikang panlilinlang at malisyosong motibo ang mga panukala.

Nasa sentro ng mga intriga ang Pangulong Arroyo. Seryoso ito dahil hindi na makatkat sa kaisipan ng mamamayan ang impresyon sa kaniya bilang mapanlinlang na timon ng kaniyang tungkulin, mula pa sa umano ay pag-agaw ng kapangyarihan mula kay dating Pangulong Estrada, pangako sa araw ng kamatayan ni Rizal na hindi siya tatakbo bilang Pangulo sa 2004, sa panahon ng krisis ng “Hello Garci” pagkaraan ng halalan, ang sunod-sunod na pagpapalabas ng mga kautusang naglimita sa mga karapatang sibil, malawak na korupsiyon at panunuhol, pag-abuso ng kapangyarihan, at marami pa. Anupat ang anumang pagsisikap na baguhin ang Saligang Batas sa panahon ng Pamahalaang Arroyo, ay mababahiran ng malisya ng patuloy at walang wakas na pag-iral ng panunungkulan ng Pangulong Arroyo at ng kaniyang mga tauhan.

Higit pang nagpasiklab ng pangamba ng mamamayan ay ang naging asal ng Mababang Kapulungan, na hindi man lang nagsaalang-alang na kailangan nilang ilinaw sa bayan unang-una, kung bakit kailangang baguhin ang Saligang Batas, at ikalawa, kung anong mahalagang pagbabago ang nararapat na maisakatuparan dito.

Liban sa mga binanggit na, kailangang tukuyin, mailinaw, at mapatunayan sa mamamayan na ang Saligang Batas na ito ay hindi na nga talaga nakatutugon sa itinakda nitong layunin, lalo na sa kapakanan ng nakararaming mamamayan. Matatandaang ang Saligang Batas na ito ay bunga ng isang makasaysayang pangyayari kung saan nilabanan at napabagsak ng sambayanan ang isang diktadurya, kung saan at kung kailan naabot ng sambayanan ang pinakamataas na antas ng pagkakaisa bilang isang lahi.

Kailangang tiyakin sa bayan na ang pagbabagong isasagawa, ay hindi magbubura o magbabalewala sa mga tagumpay na nakamit na, bagkus ay lalo pang magpapayabong nito sa susunod na mga salinlahi, ang katarungang panlipunan, kalayaang pampulitika at paniniwala, kapayapaan, katarungan at kaunlaran para sa mas marami, at hindi lamang para sa iilan.