Kamakailan, nasaksihan ng buong bayan ang pagmamadali ng Mababang Kapulungan ng Kongreso upang pagtibayin ang “House Resolution 1109”, kung saan ang Kongreso ay magsisilbing isang “Constituent Assembly” o Con-Ass, na magtutukoy at magpapatibay ng pagbabago sa ating Saligang Batas.
Sapilitan ang naging proseso, dahil sa halip na isumite ang napakahalagang usaping ito sa serye ng masinsinang pag-aaral at talakayan sa loob ng Kapulungan, sinadya na lamang itong pagbotohan (viva voce) nang walang anupamang pagtalakay sa merito ng panukalang Con-Ass.
Sa kabila ng kulang dalawampong taon lamang ng ating Saligang Batas mula nang ito ay pagtibayin ng mahigit pitumpong bahagdan (76%), mula pa sa panahon ng Pamahalaang Ramos at Estrada, at hanggang sa kasalukuyan, ito ay walang tigil na napagdidiskitahan. Tila ba ang Saligang Batas na ito ay talamak sa pagkukulang, kundi man puno ng kamalian.
Sa Panahon ng Pamahalaang Ramos, sa pamamagitan ng PIRMA, nagpanukala itong palitan ang porma ng pamahalaan mula Panguluhan tungong Parlamentaryo, at tanggalin ang pagbabawal sa mga dayuhan hinggil sa lubos na pagmamay-ari ng lupa, at paglahok sa mga negosyong lokal na orihinal na nilalaan lamang sa mga Pilipino. Sa panahon ng Pangulong Arroyo, higit na pinalawak ang panukala sa pagbabago ng Saligang Batas. Idinagdag ang pagpapahaba ng panahon ng panunungkulan ng mga nahalal mula 3 hanggang 5 taon.
Sa kasawiang palad, lahat ng panukala sa pagbabago ng Saligang Batas ay hindi epektibong naipaliwanag o napagtalakayan. Dahil sa batbat ng mga kalabuan, lumulutang ang mga pangamba kung ano ang tunay na motibo sa lahat ng mga pagsisikap na baguhin o amyendahan ang Saligang Batas.
Kung mayroon mang matapat at sapat na dahilan upang baguhin ang Saligang Batas, nabigo itong lumapat sa kamalayan at kamulatan ng bayan, at patuloy na humahalo sa karambola ng mga pampulitikang panlilinlang at malisyosong motibo ang mga panukala.
Nasa sentro ng mga intriga ang Pangulong Arroyo. Seryoso ito dahil hindi na makatkat sa kaisipan ng mamamayan ang impresyon sa kaniya bilang mapanlinlang na timon ng kaniyang tungkulin, mula pa sa umano ay pag-agaw ng kapangyarihan mula kay dating Pangulong Estrada, pangako sa araw ng kamatayan ni Rizal na hindi siya tatakbo bilang Pangulo sa 2004, sa panahon ng krisis ng “Hello Garci” pagkaraan ng halalan, ang sunod-sunod na pagpapalabas ng mga kautusang naglimita sa mga karapatang sibil, malawak na korupsiyon at panunuhol, pag-abuso ng kapangyarihan, at marami pa. Anupat ang anumang pagsisikap na baguhin ang Saligang Batas sa panahon ng Pamahalaang Arroyo, ay mababahiran ng malisya ng patuloy at walang wakas na pag-iral ng panunungkulan ng Pangulong Arroyo at ng kaniyang mga tauhan.
Higit pang nagpasiklab ng pangamba ng mamamayan ay ang naging asal ng Mababang Kapulungan, na hindi man lang nagsaalang-alang na kailangan nilang ilinaw sa bayan unang-una, kung bakit kailangang baguhin ang Saligang Batas, at ikalawa, kung anong mahalagang pagbabago ang nararapat na maisakatuparan dito.
Liban sa mga binanggit na, kailangang tukuyin, mailinaw, at mapatunayan sa mamamayan na ang Saligang Batas na ito ay hindi na nga talaga nakatutugon sa itinakda nitong layunin, lalo na sa kapakanan ng nakararaming mamamayan. Matatandaang ang Saligang Batas na ito ay bunga ng isang makasaysayang pangyayari kung saan nilabanan at napabagsak ng sambayanan ang isang diktadurya, kung saan at kung kailan naabot ng sambayanan ang pinakamataas na antas ng pagkakaisa bilang isang lahi.
Kailangang tiyakin sa bayan na ang pagbabagong isasagawa, ay hindi magbubura o magbabalewala sa mga tagumpay na nakamit na, bagkus ay lalo pang magpapayabong nito sa susunod na mga salinlahi, ang katarungang panlipunan, kalayaang pampulitika at paniniwala, kapayapaan, katarungan at kaunlaran para sa mas marami, at hindi lamang para sa iilan.

No comments:
Post a Comment