Friday, July 23, 2010
Friday, March 19, 2010
Endorso ng Sona 10
Inindorso ng mga Punong Barangay ng Sona 10 ang kandidatura ni Arnold Divina bilang Konsehal Panglungsod sa kanilang buwanang pulong na ginanap noong ika-18 ng Marso 2010. Dumalo sa naturang pagpupulong sina PB Cabal (108), Notario (109), Bolival (110), Palomata (111), Corpuz (112), Estoesta (113), Manabat (114), Robles (115), De Leon (116), Roscano (117), Magat (119), at Cabardo (120).
Bago nito, natapos na ni Arnold Divina ang ikalawang bahagi ng kaniyang pakikipanayam sa mga Kalungsod na ginanap sa mga sumusunod na lugar: Brgy 12 (Mar 6), Brgy 14 (Mar 7), Brgy 35 (Mar 9), Brgy 74 (Mar 11), Brgy 12 (Mar 12), Brgy 56, 59, 63 (Mar 13), Brgy 8 (Mar 15), Brgy 14 (Mar 16), Brgy 16 (Mar 17), Brgy 22 (Mar 18), at Brgy 12 (Mar 19).
Sa kasalukuyan, puspusan na ang paghahanda ng Team Recom at ni Arnold Divina para sa nalalapit na pagsisimula ng “campaign period” sa ika-26 ng Marso 2010.
Saturday, March 6, 2010
Panayam Pambarangay, Pebrero 2010
Sa pagdalaw ni Arnold Divina sa iba-ibang barangay, dinama niya ang aspirasyon at mga hinaing ng mamamayan. Ayon sa kanila, ang dahilan ng kanilang kahirapan ay siya ring lunas sa kanilang paghihirap: pagkain, kalusugan, edukasyon, at malinis na kapaligiran.
Kinapanayam ni Arnold Divina ang mga tao sa mga sumusunod na lugar:
> Brgy 43 (Ana Bustamante: Feb 10)
> Brgy 33 (Damayan St.: Feb 10)
> Brgy 5 (Abes Compound, PNR Dorm, Torres Bugallon: Feb 11)
> Brgy 69 (Baltazar 1-4: Feb 12)
> Brgy 70 (Palon St., Baltazar Bukid: Feb 12)
> Brgy 19 (P. Zamora, Doña Rita., Doña Consuelo: Feb 12)
> Brgy 120 (2nd Ave., 1st Ave., La Loma, San Prankasius: Feb 14)
> Brgy 12 (Block 11, Block 12: Feb 17)
> Brgy 73 (PNR Dorm, DM Compound: Feb 18)
> Brgy 18 (Libis Nadurata, Libis Balon Bato: Feb 19)
> Brgy 20 (Libis Orcana, Talakitok: Feb 20)
> Brgy 93 (6th-11th St.: Feb 21)
> Brgy 95 (Bo. Pacita, Mariano St.: Feb 21)
> Brgy 28 (Torcillo St., Landaska, Tabing Ilog: Feb 24)
> Brgy 14 (Block 28, Block 30, Block 31)
> Brgy 35 (LRTB, Landaska, Kawal)
> Brgy 35 (Pasig, Pateros, Binangonan, San Mateo: Feb 28)
Kinapanayam ni Arnold Divina ang mga tao sa mga sumusunod na lugar:
> Brgy 43 (Ana Bustamante: Feb 10)
> Brgy 33 (Damayan St.: Feb 10)
> Brgy 5 (Abes Compound, PNR Dorm, Torres Bugallon: Feb 11)
> Brgy 69 (Baltazar 1-4: Feb 12)
> Brgy 70 (Palon St., Baltazar Bukid: Feb 12)
> Brgy 19 (P. Zamora, Doña Rita., Doña Consuelo: Feb 12)
> Brgy 120 (2nd Ave., 1st Ave., La Loma, San Prankasius: Feb 14)
> Brgy 12 (Block 11, Block 12: Feb 17)
> Brgy 73 (PNR Dorm, DM Compound: Feb 18)
> Brgy 18 (Libis Nadurata, Libis Balon Bato: Feb 19)
> Brgy 20 (Libis Orcana, Talakitok: Feb 20)
> Brgy 93 (6th-11th St.: Feb 21)
> Brgy 95 (Bo. Pacita, Mariano St.: Feb 21)
> Brgy 28 (Torcillo St., Landaska, Tabing Ilog: Feb 24)
> Brgy 14 (Block 28, Block 30, Block 31)
> Brgy 35 (LRTB, Landaska, Kawal)
> Brgy 35 (Pasig, Pateros, Binangonan, San Mateo: Feb 28)
Monday, February 8, 2010
Sunog sa 73
Natupok ang higit 300 kabahayan sa PNR Compound Samson Road Brgy 73 noong ika-6 ng Pebrero araw ng Sabado sa isang sunog na umabot sa "general alarm". Nagsimula ang sunog bago lumubog ang araw at tuluyan lamang itong naapula bago mag-ika-9:00 ng gabi. Nawalan ng tirahan ang mahigit 500 pamilya (1500 katao kasama na ang mga bata). Ang mga nasunugan ay lumikas sa kanugnog na mga lugar, at sa kasalukuyan ay tinipon ang mga ito sa "covered court" ng Brgy 73, sa pag-aasikaso ng Punong Barangay Tobias Dimalaluan.
Wednesday, February 3, 2010
Automated Election
"Huwag nating sayangin ang makasaysayang pagkakataong ito upang bumoto." Ito ang pagwawakas na pahayag ni Arnold DIVINA sa isang pagpupulong ng mga Block Leaders sa Brgy 14 na pinangunahan ni Zaldy Galit na ginanap sa unang araw ng buwan ng Pebrero sa harap ng gusali ng Pamahalaang Pambarangay.
Ang mga Block Leaders ay nangasiwa at nanguna sa pagtataas ng watawat nang umagang iyon. Pagkatapos ay idinaos nila ang isang Forum upang talakayin ang "automated elections" kung saan si Arnold DIVINA ang kanilang Panauhing Tagapagsalita.
Kaugnay sa "automated elections", nakapaglunsad na rin ng mga serye ng talakayan ang UCC Party na pinangungunahan ni Arnold DIVINA sa iba-ibang barangay at pagtitipon.
Enero 3: Brgy 8
Enero 4 Brgy 12
Enero 5: Zone 4
Enero 6: Brgy 12
Enero 7: Brgy 8
Enero 12: Brgy 33
Enero 13: Brgy 5, Brgy 6, Brgy 9
Enero 14: Brgy 120, Brgy 119, Brgy 12
Enero 16: Brgy 36, Brgy 13, Brgy 15, Brgy 16, Brgy 17, Brgy 19
Enero 18: Brgy 43
Enero 19: Brgy 30
Enero 20: Brgy 20
Enero 21: Brgy 21, Brgy 22, Brgy 23, Brgy 24, Brgy 25
Enero 22: Brgy 7, Brgy 10, Brgy 11
Enero 23: Brgy 26, Brgy 118
Enero 24: Brgy 8, Brgy 86, Brgy 31
Enero 25: Maypajo Market Vendors General Assembly Brgy 34, Brgy 118 Kababaihan, Brgy 12
Enero 26: Zone 11 NTD Movement Barangay Coordinators Assembly
Wednesday, January 6, 2010
Tuesday, January 5, 2010
Tagapag-ugnay sa Dose
Ang unang pakikipanayam ni Arnold Divina sa Brgy 12 ay ginanap sa kapilya ng Victory Church ni Pastor Alima sa Thin Shell House na dinaluhan ng mahigit 20 tagapag-ugnay ng mga presintong nasasaklaw ng Thin Shell House, Kamada, Blk 11, 12, 15, at 16, noong ika-4 ng Enero 2010, 5:00 ng hapon.
Pagkatapos nito, nakipagpulong naman si Arnold Divina sa mahigit 20 tagapag-ugnay ng presintong nasasaklaw ng Blk 35, 36, 37, 38, at 39, ika-7:00 ng gabi sa bahay ni Ryan.
Dumalo rin si Arnold Divina sa luksang parangal sa huling gabi ng lamay ni P/B Eugene Rufino ng Brgy 27 na yumao nang wala sa panahon.
Sunday, January 3, 2010
Tagapag-ugnay sa Otso
Bilang pagkilala sa natatanging ambag ng mga Tagapag-ugnay sa Barangay 8, nagpasiya si Arnold Divina na dito gawin ang unang pulong para sa taong 2010, ika-3 ng Enero 2010.
Pinasinayaan ang serye ng pulong sa pamamagitan ng pagbisita kay Punong Barangay Vicky Madlangsakay sa purok Buklod ng Nayon. Higit isang oras silang nagpanayam hinggil sa maraming bagay.
Pagkatapos ng pakikipagsanggunian sa Punong Barangay, tumuloy na sa pulong ng mga Tagapag-ugnay sa Presinto si Arnold Divina na ginanap sa Sapang Saging, sa tahanan ni Nanay Doray. Dumalo ang higit 30 Tagapag-ugnay mula sa iba-ibang presinto.
Pagkaraan, tumungo si Arnold Divina sa purok Tupda Salamat Daycare hinggil sa pulong naman ng mga Tagapag-ugnay ng presintong nasasaklaw ng purok na dinaluhan din ng higit 30 Tagapag-ugnay.
Kapwa tinalakay sa pulong na iyon ang gagampanang tungkulin ng bawat isa at ibayong pagtutulungan upang makamit ang tagumpay sa halalang 2010.
Ang mga pulong ay inugnay at pinadaloy ni Nilo Villanueva.
Friday, January 1, 2010
Subscribe to:
Comments (Atom)




