Bilang pagkilala sa natatanging ambag ng mga Tagapag-ugnay sa Barangay 8, nagpasiya si Arnold Divina na dito gawin ang unang pulong para sa taong 2010, ika-3 ng Enero 2010.
Pinasinayaan ang serye ng pulong sa pamamagitan ng pagbisita kay Punong Barangay Vicky Madlangsakay sa purok Buklod ng Nayon. Higit isang oras silang nagpanayam hinggil sa maraming bagay.
Pagkatapos ng pakikipagsanggunian sa Punong Barangay, tumuloy na sa pulong ng mga Tagapag-ugnay sa Presinto si Arnold Divina na ginanap sa Sapang Saging, sa tahanan ni Nanay Doray. Dumalo ang higit 30 Tagapag-ugnay mula sa iba-ibang presinto.
Pagkaraan, tumungo si Arnold Divina sa purok Tupda Salamat Daycare hinggil sa pulong naman ng mga Tagapag-ugnay ng presintong nasasaklaw ng purok na dinaluhan din ng higit 30 Tagapag-ugnay.
Kapwa tinalakay sa pulong na iyon ang gagampanang tungkulin ng bawat isa at ibayong pagtutulungan upang makamit ang tagumpay sa halalang 2010.
Ang mga pulong ay inugnay at pinadaloy ni Nilo Villanueva.

Sana maglagay ka kapt. vicky madlangsakay ng outpost ng tanod dun sa may sinilyasi corner samaral (likod ng lumang sss) dahil araw araw na lang me holdapan nangyayari. kaming mga residente ang ginagawa nilang hanapbuhay. sana naman maging fair ang treatment nyo sa lahat ke bumoto sa inyo o hindi. kasi kung di nyo tutulungan un mga sinasabi nyo na di bumoto sa inyo, pano kami maniniwala sa inyo? eh di lalo kaming sa iba pupunta. patunayan nyo yun mga pinalagay nyong painting dun sa bakod ng lumang sss building. salamat
ReplyDelete