Ang unang pakikipanayam ni Arnold Divina sa Brgy 12 ay ginanap sa kapilya ng Victory Church ni Pastor Alima sa Thin Shell House na dinaluhan ng mahigit 20 tagapag-ugnay ng mga presintong nasasaklaw ng Thin Shell House, Kamada, Blk 11, 12, 15, at 16, noong ika-4 ng Enero 2010, 5:00 ng hapon.
Pagkatapos nito, nakipagpulong naman si Arnold Divina sa mahigit 20 tagapag-ugnay ng presintong nasasaklaw ng Blk 35, 36, 37, 38, at 39, ika-7:00 ng gabi sa bahay ni Ryan.
Dumalo rin si Arnold Divina sa luksang parangal sa huling gabi ng lamay ni P/B Eugene Rufino ng Brgy 27 na yumao nang wala sa panahon.

No comments:
Post a Comment