Kuya Boy, Kagawad Boy. Hindi siya nabuhay para sa sarili lamang. Nabuhay siya upang maglingkod sa iba, sa sambayanan ni Kristo, at sa mamamayang nangangailangan ng kalinga at gabay.
Naglingkod siya sa Partido nang buong katapatan at lugod. Bilang isa sa mga pangunahing pinuno ng lapian, ginabayan niya hindi lamang ang Sampalukan Party Committee na kaniyang pinamumunuan, kundi ang buong Partido. Naging liwanag siya ng mga kasaping binabagabag ng mga pang-araw-araw na suliranin. Naging inspirasyon siya ng hindi mabilang na pinuno at kasapi ng Partido.
Ang kaniyang hindi napapanahong paglisan ay nag-iwan ng espasyong hindi madaling punuan, sapagkat napakalaking ambag ang kaniyang iniwan tungo sa paglago ng Partido.
HINDI KA NAMIN MALILIMUTAN... ang iyong alaala ang siyang magpapalakas sa amin upang patuloy na "likhain at itayo ang bukas para sa ating mga anak. Nasa atin ang panahon!"
Wednesday, December 5, 2012
Monday, October 8, 2012
Partido Liberal ng Caloocan sa Comelec
Ang Partido Liberal sa Lungsod ng Caloocan ay sabay-sabay na naghain at nagsumite ng kanilang "Certificate of Candidacy" sa Comelec noong ika-3 ng Oktubre 2012. Bago nito, nagkaroon ng "mini-concert" sa harap ng Gusali ng Pamahalaang Lungsod pagkatapos ng banal na misa sa Katedral ng San Roque.
Mula sa Gusali ng Pamahalaang Lungsod, nagmartsa ang mga kandidato kasama ang libo-libong tagasuporta patungo sa Comelec. Nagkulay dilaw at pula ang Daang Mabini sa araw na ito.
Makikita sa larawan si ARNOLD DIVINA, na naghain din ng "COC" bilang Konsehal ng Sangguniang Panglungsod sa ika-2 Distrito.
Subscribe to:
Posts (Atom)


