Monday, February 8, 2010

Sunog sa 73

Natupok ang higit 300 kabahayan sa PNR Compound Samson Road Brgy 73 noong ika-6 ng Pebrero araw ng Sabado sa isang sunog na umabot sa "general alarm". Nagsimula ang sunog bago lumubog ang araw at tuluyan lamang itong naapula bago mag-ika-9:00 ng gabi. Nawalan ng tirahan ang mahigit 500 pamilya (1500 katao kasama na ang mga bata). Ang mga nasunugan ay lumikas sa kanugnog na mga lugar, at sa kasalukuyan ay tinipon ang mga ito sa "covered court" ng Brgy 73, sa pag-aasikaso ng Punong Barangay Tobias Dimalaluan.

No comments:

Post a Comment