.jpg)
.jpg)
“Habang maraming naghihirap at nagugutom sa Caloocan, marami pa ring pwedeng gawin” ayon kay Atty. NILO DIVINA nang tinukoy niya ang mga dahilan upang higit na pag-ibayuhin ng mga pinuno sa komunidad at pamayanan ang paglilingkod sa isang pulong ng mga Punong Barangay sa Sona 10 na ginanap noong ika-20 ng Hulyo 2009 sa MagicLand, sa Biglang Awa. Aniya pa, habang mayroong mga tao na nagnanais iangat ang kalagayan ng mamamayan, hindi dapat mawalan ng pag-asa ang taong bayan lalo na sa gitna ng kasalukuyang pandaigdigang krisis.Naging panauhin din si G. Egay Erice, dating Congressman ng Ikalawang Distrito ng Lungsod ng Caloocan. Binigyang diin ni G. Erice ang kahalagahan ng mga Punong Barangay sa matatag na pagkakaisa ng buong pamayanan tungo sa isang layunin.
Sa kalagitnaan ng pagtitipon, dumating ang Punong Lungsod Enrico “Recom” Echeverri at ibinalita sa lahat ang nalalapit nang pagpapatayo ng isang makabagong Sports Center na mayroong kapasidad na 5,000. Aniya, ang imprastrakturang ito ay mahalaga upang muling sumigla ang kabuhayan ng mamamayan sa lugar na pagtatayuan, na sa kasalukuyan ay mga abandonadong gusali sa Sona 9.
Isang “open forum” ang isinagawa pagkatapos magsalita ng Punong Lungsod at naging masigasig ang lahat sa pakikibahagi sa talakayan.
Dumalo sa pagtitipong ito sina Punong Barangay Aurelio Biluan (Brgy 107), Rowena Cabal (108), Domingo Ade Notario Jr. (109), Ronaldo Bolival (110), Jesus Palomata (111), Pacifico Corpuz (112), Armando Estoesta (113), Arturo Manabat (114), Rodel Robles (115), Cipriano Roscano (117), Proly Bolo (118), Donato Magat (119), at Punong Barangay Jose Cabardo (120).
Ang pagtitipon ng mga Punong Barangay ng Sona 10 ay pinangunahan ng Zone Chairman PB Donato Magat at Kalihim nito na si PB Rowena Cabal.
Kaugnay pa rin ng pagtitipong ito, nauna na silang nagkita-kita nang nakaraang araw sa kaarawan ni PB Armando Estoesta kung saan dumalo din ang mga nasa itaas noong ika-19 ng Hulyo. Naging panauhin sa kaarawan sina Atty. Divina at G. Erice.
.jpg)
.jpg)
.jpg)
.jpg)

No comments:
Post a Comment