Monday, November 30, 2009

Konsehal Arnold, LP

Naganap na ang pinakahihintay ng lahat. Nag-”file” na ng kaniyang kandidatura bilang Konsehal ng Lungsod sa Ikalawang Distrito si Arnold Divina noong Nobyembre 26, 2009 sa Comelec-Caloocan.

Kasama niya sa pagpa-”file” ang buong tiket ng Partido Liberal (LP) na pinangunahan nina Mayor Recom Echiverri, magiging Pangalawang Punong Lungsod Egay Erice, kasama ang mga konsehal na sina Chito Abel, Allen Aruelo, Tino Bagus, Marjorie Barretto, at Carol Cunanan. Pagkaraan nito, tumuloy sila sa Tanggapang Pangrehiyon ng Comelec sa Intramuros Manila.

Bago iyon, ipinakilala ni Mayor Recom sa naghihintay na mga taga-suporta sa bulwagan ng Sangguniang Panglungsod ang kaniyang mga kasama sa Lapian sa gitna ng palakpakan at masayang hiyawan.

Tumungo na agad ang grupo ni Mayor Recom sa Comelec, at dahil sa dami ng mga taga-suporta, nagpasiya na lamang sila na lakarin ito kasama ang mga kalungsod na pawang nakasuot ng dilaw.

Ang pagpapa-”file” ay sinundan ng motorcade sa kabuuan ng “city proper” ika-28 ng Nobyembre bilang opisyal na paghahayag ng tiket ng Partido Liberal Caloocan. Nagtapos ang programa sa Gusali ng Pamahalaang Panglungsod.

Kaugnay pa rin ng tiket ng LP Caloocan, sama-samang ipinagdiwang ng grupo ni Mayor Recom ang Kaarawan ni Gat Andres Bonifacio noong Nobyembre 30 sa isang palatuntunan sa Monumento. Sunod-sunod ang naging aktibidad ng LP. Ipinakilala muli ni Mayor Recom ang kaniyang mga kasama sa ginanap na pulong ng Filipino-Chinese Chamber of Commerce Caloocan City noong Disyembre 2, at sa pulong-bayan na pinangunahan ni PB Bebot Cruz sa Barangay 12.

4 comments:

  1. bakit konsehal agad eh di pa naman nag eeleksyon? tapos na po ba ang bilangan?..maaari po bang magtanong?...bakit po sa palagay nyo, ay DAPAT AT KARAPAT DAPAT KAYONG IBOTO ng mga taga kalookan?

    ReplyDelete
  2. tanggalin nyo na po ang konsehal na nakadikit sa pangalan nyo...DI NAMAN KAYO NANALO...masyado kasing naniniguro ...better luck next time..ganyan talaga...di nyo napaniwala ang Dist.2 sa mga plataporma nyong imposible para sa isang konsehal...too good to be true ika nga nila...set a good example...muna...at magpaka totoo...

    ReplyDelete
  3. tama . . puro ka drawing . . dame mung iniwang problema sa ibang tao . . nanira ka pa ng buhay . .

    ReplyDelete
  4. syang ang ganda ng pangarap nia nacra lng lhat dahil sau . .

    ReplyDelete